Library
Biblia, Kawalan ng Mali ng


Biblia

Pag-aaral ng Doktrina

Biblia, Kawalan ng Mali ng

Pinagpipitaganan ng mga Banal sa mga Huling Araw ang Biblia. Pinag-aaralan nila ito at pinaniniwalaang ito ay salita ng Diyos. Gayunman, hindi sila naniniwala na ang Biblia, sa nababasa natin sa kasalukuyan, ay walang mali.

Buod

Pinagpipitaganan ng mga Banal sa mga Huling Araw ang Biblia. Pinag-aaralan nila ito at pinaniniwalaang ito ay salita ng Diyos. Gayunman, hindi sila naniniwala na ang Biblia, sa nababasa natin sa kasalukuyan, ay walang mali.

Sinabi ni Joseph Smith, “Naniniwala ako sa nakasaad sa Biblia kapag nagbuhat ito sa panulat ng mga orihinal na may-akda” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith, kabanata 17).

Malaki ang pagpipitagan at pagmamahal ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Biblia. Pinag-aaralan at sinisikap nilang ipamuhay ang mga turo nito. Pinapahalagahan nila ang patotoo nito tungkol sa buhay at misyon ng Panginoong Jesucristo. Pinag-aralan ni Propetang Joseph Smith ang Biblia sa buong buhay niya, at itinuro niya ang mga tuntunin nito. Nagpatotoo siya na ang isang tao na “[nakakikilala sa] kapangyarihan ng Pinakamakapangyarihan, na nakaukit sa kalangitan, ay [makakikilala] rin sa sulat-kamay ng Diyos sa banal na aklat: at siya na bumabasa nito nang pinakamadalas ay higit [itong magugustuhan], at siya na nakakikilala nito, ay [makikilala ang kamay ng Diyos saanman niya ito makita]” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith, 77).

Nang tinipon, binuo, isinalin, at isinulat ang Biblia, maraming pagkakamali ang nagawa sa teksto. Ang pagkakaroon ng gayong mga pagkakamali ay malinaw na makikita kung iisipin ng isang tao ang napakarami at madalas na magkakasalungat na pagsasalin ng Biblia sa mundo ngayon. Ang mapagsaliksik na mga estudyante ng Biblia ay madalas na nagugulumihanan dahil sa mga kontradiksyon at mga tinanggal na teksto. Inuusisa rin ng maraming tao ang mga pagtukoy ng mga propeta sa Biblia sa mga aklat o mga banal na kasulatan na kasalukuyang hindi nakikita sa Biblia.

Bukod pa sa Biblia, pinagpipitaganan at pinag-aaralan ng mga Banal sa mga Huling Araw ang Aklat ni Mormon, ang Doktrina at mga Tipan, ang Mahalagang Perlas, at ang mga salita ng mga propeta at apostol ngayon. Lahat ng pinagmumulang ito ng walang hanggang katotohanan ay nagtutulungan upang patatagin, linawin, at patotohanan ang plano ng ating Ama sa Langit at dalhin ang mga tao kay Jesucristo.

Naniniwala ang mga Banal sa mga Huling Araw na mayroon pang ibang mga aklat ng banal na kasulatan maliban sa Biblia (gaya ng Aklat ni Mormon) at na patuloy na naghahayag ang Diyos ng Kanyang salita sa pamamagitan ng mga buhay na propeta. Kadalasang inilalahad ang argumento na ang pagiging Kristiyano ay pagsang-ayon sa alituntunin na sola scriptura, o kakayahang mag-isa ng Biblia. Ngunit ang sabihing ang Biblia ang huling salita ng Diyos—ang huling naisulat na salita ng Diyos—ay para na rin nating pinangungunahan ang Biblia. Walang ipinapahayag ang Biblia na lahat ng paghahayag mula sa Diyos ay titipunin sa isang aklat na isasara magpakailanman at na wala nang karagdagang paghahayag ng banal na kasulatan ang tatanggapin.

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

  • Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Biblia.”

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Resources sa Pag-aaral

Mga Magasin ng Simbahan

Tuwirang Sagot,” Liahona, Setyembre 2015

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo