Pag-aaral ng Doktrina
Biblia
Ang Biblia ay koleksyon ng mga sagradong kasulatan na naglalaman ng marami sa mga paghahayag ng Diyos. Ito ay isang talaan ng Kanyang pakikipag-ugnayan sa ilan sa Kanyang mga anak mula sa Paglikha hanggang sa ministeryo ni Jesucristo at ng Kanyang mga Apostol. Ito ay isinulat ng mga propeta at mananalaysay na nakakikilala sa Diyos at nagpatotoo tungkol kay Jesucristo. Ang mga miyembro ng Simbahan ay hinihikayat na pag-aralan at sundin ang mga turo nito.
Buod
Ang Biblia ay salita ng Diyos. Ito ay isang saksi sa Diyos at kay Jesucristo. Ang mga miyembro ng Simbahan ay hinihikayat na pag-aralan at sundin ang mga turo nito. Gumagamit ang Simbahan ng maraming salin ng Biblia sa iba’t ibang wika. Sa Ingles, ang King James Version ang ginagamit bilang opisyal na Biblia ng Simbahan.
Gayunman, ang Biblia ay hindi ang huling paghahayag ng Diyos sa sangkatauhan, at hindi rin kumpleto ang tinipon na sagradong kasulatan na ito. Binabanggit mismo ng Biblia ang iba pang mga mapagkakatiwalaang aklat ng banal na kasulatan kabilang ang mga aklat ng propetang si Nathan at ni Jehu at ni Enoc, ang propesiya ni Ahias, ang pangitain ni Iddo ang tagakita, at maging ang mga nawawalang sulat ni Pablo (tingnan sa 2 Cronica 9:29; 13:22; 20:34; 1 Corinto 5:9; Judas 1:14). Ang iba pang mga aklat ng mga Banal sa mga Huling Araw—ang Aklat ni Mormon, ang Doktrina at mga Tipan, at ang Mahalagang Perlas—ay nililinaw ang ebanghelyo na itinuro sa Biblia at pinagtitibay ang katotohanan ng pagsaksi at patotoo ng Biblia kay Jesucristo.
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
-
Bagong Tipan
-
Lumang Tipan
-
Mahalagang Perlas
-
Mga Pamantayang Banal na Kasulatan
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan “Biblia, Pagsasalin ni Joseph Smith (PJS)”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
“Pinakamainam na Maipagdiriwang ang Ika-400 Anibersaryo sa Higit na Pag-aaral, ang Mungkahi sa mga Salita ng mga Apostol,” Liahona, Mayo 2011
Thomas A. Wayment, “Ang Kasaysayang Nakapaloob sa Bagong Tipan,” Liahona, Enero 2011