Library
Pagiging Magulang


pamilya

Pag-aaral ng Doktrina

Pagiging Magulang

Ang maayos na pagpapalaki ng mga anak, bagama’t mahirap kung minsan, ay naghahandog ng malaking potensyal para sa kaligayahan. Maaaring makadama ng labis na kagalakan ang mga magulang sa pamamagitan ng pagbuo ng tahanang matatag at puno ng pagmamahal at pagtuturo ng mga alituntunin ng ebanghelyo, na makatutulong sa kanilang mga anak na magkaroon ng matwid, maligaya, at makabuluhang buhay.

Buod

Sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” ipinahayag ng mga lider ng Simbahan, “Ang mga magulang ay may banal na tungkuling palakihin ang kanilang mga anak sa pagmamahal at kabutihan, maglaan para sa kanilang pisikal at espirituwal na mga pangangailangan, turuan silang magmahalan at maglingkod sa isa’t isa, sundin ang mga kautusan ng Diyos, at maging masunurin sa batas saanman sila naninirahan.”

Ang maayos na pagpapalaki ng mga anak, bagama’t mahirap kung minsan, ay naghahandog ng malaking potensyal para sa kaligayahan. Maaaring makadama ng labis na kagalakan ang mga magulang sa pamamagitan ng pagbuo ng tahanang matatag at puno ng pagmamahal at pagtuturo ng mga alituntunin ng ebanghelyo, na makatutulong sa kanilang mga anak na magkaroon ng matwid, maligaya, at makabuluhang buhay. (Tingnan sa 3 Juan 1:4.)

Iniutos ng Panginoon sa mga magulang “na palakihin ang [kanilang] mga anak sa liwanag at katotohanan” (Doktrina at mga Tipan 93:40). Kabilang dito ang pagtuturo sa kanila na maunawaan ang mga doktrina ng pananampalataya kay Jesucristo, pagsisisi, binyag, at kaloob na Espiritu Santo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 68:25) at mahalin ang kanilang Ama sa Langit at si Jesucristo. Ang pagtuturong ito ay dapat maganap unang-una sa tahanan, katuwang ang mga klase at programa ng Simbahan na nakadaragdag at sumusuporta sa mga pagsisikap ng mga magulang.

Maaaring pormal na turuan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa family home evening at sa iba pang pagtitipon ng pamilya, tulad sa araw-araw na panalangin ng pamilya at pag-aaral ng banal na kasulatan o sa oras ng pagkain. Ang mga pagkakataong magturo ay dumarating din sa mga sandaling hindi ipinlano kapag magkasamang gumagawa at naglilibang ang mga magulang at mga anak. Anuman ang sitwasyon, gagabayan ng Panginoon ang mga magulang kapag mapanalangin nilang hinangad na mapalaki ang kanilang mga anak sa pagmamahal at kabutihan.

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan

Mga Video

3:3

2:25

1:36

0:52

3:29

Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

Teach Me to Walk in the Light [Turuang Lumakad sa Liwanag]

Resources sa Pag-aaral

Mga Magasin ng Simbahan

Robin Zenger Baker, “Kapag Tumalikod ang Isang Anak sa Simbahan,” Liahona, Pebrero 2016

Jan Pinborough, “Pagiging Magulang, Mag-unplug,” Liahona, Hunyo 2014

Lyle J. Burrup, “Pagpapalaki ng Matatatag na Anak,” Liahona, Marso 2013

Shawn Evans, “Pagtulong sa mga Bata na Madamang Ligtas Sila,” Liahona, Pebrero 2011

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento

Media

Musika