Pag-aaral ng Doktrina
Kabilang-buhay
Ang kabilang-buhay ay tumutukoy sa yugto ng ating walang hanggang buhay na magsisimula pagkatapos ng ating kamatayan. Kapag namatay tayo, ang ating espiritu ay patuloy na mabubuhay at mapupunta sa daigdig ng mga espiritu. Ang daigdig ng mga espiritu ay isang lugar ng paghihintay, paggawa, pag-aaral, at, para sa mabubuti, pagpapahinga mula sa mga alalahanin at kalungkutan. Ang ating espiritu ay maninirahan doon hanggang sa Pagkabuhay na Mag-uli.
Buod
Ang kabilang-buhay ay tumutukoy sa yugto ng ating walang hanggang buhay na magsisimula pagkatapos ng ating kamatayan.
Ang Ama sa Langit ay naghanda ng plano para sa ating kaligtasan. Bilang bahagi ng planong ito, ipinadala Niya tayo mula sa Kanyang kinaroroonan upang mabuhay sa lupa at tumanggap ng mortal na katawan na may laman at dugo. Kalaunan, ang ating mortal na katawan ay mamamatay, at ang ating espiritu ay mapupunta sa daigdig ng mga espiritu. Ang daigdig ng mga espiritu ay isang lugar ng paghihintay, paggawa, pag-aaral, at, para sa mabubuti, pagpapahinga mula sa mga alalahanin at kalungkutan. Doon maninirahan ang ating espiritu hanggang sa handa na tayo para sa ating pagkabuhay na mag-uli. Sa panahon ng pagkabuhay na mag-uli, ang ating espiritu at katawan ay muling magsasama, at tayo ay hahatulan at tatanggapin sa isang kaharian ng kaluwalhatian. Ang kaluwalhatiang mamanahin natin ay nakasalalay sa lalim ng ating pagbabalik-loob at sa pagsunod natin sa mga kautusan ng Panginoon. Nakasalalay ito sa paraan kung paano tayo “tumanggap ng patotoo ni Jesus” (Doktrina at mga Tipan 76:51; tingnan din sa 76:74, 79, 101).
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
David A. Edwards, “Ano ang Alam Natin tungkol sa Kabilang Buhay?” Liahona, Hunyo 2016
“Bakit Tayo Nagbibinyag para sa mga Patay,” Liahona, Marso 2016