Pag-aaral ng Doktrina
Teacher (Aaronic Priesthood)
Buod
Ang priesthood ay ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos. Ang teacher ay isang katungkulan sa Aaronic Priesthood. Simula sa Enero ng taon na sila ay magiging 14 na taong gulang, ang mga karapat-dapat na kabataang lalaki ay maoorden sa katungkulan ng teacher—katungkulang hawak nila hanggang sa taon na magiging 16 na taong gulang sila.
Inoorganisa ang mga teacher sa mga korum sa kanilang mga ward at branch. Ang bawat korum ay pinamumunuan ng isang teacher na itinalaga bilang pangulo at siyang mayhawak ng mga susi ng priesthood na mamuno sa korum (tingnan sa Hanbuk 2: Pangangasiwa sa Simbahan, 8.3.2; Doktrina at mga Tipan 107:86).
Ang bishopric ang panguluhan ng Aaronic Priesthood (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:15). Kinakausap ng unang tagapayo sa bishopric ang teachers quorum at itinuturo sa kanila ang mga tungkulin ng kanilang katungkulan.
Ginagampanan ng isang teacher ang lahat ng responsibilidad ng deacon. Responsibilidad din niya ang mga sumusunod (tingnan sa Hanbuk 2, 8.1.1.2):
-
Naghahanda siya ng sakramento.
-
Dapat niyang “pangalagaan ang simbahan tuwina, at makapiling at palakasin sila” (Doktrina at mga Tipan 20:53). Isang paraan [sa paggawa] niya nito ay sa pamamagitan ng paglilingkod bilang isang ministering brother. Itinatalaga siya bilang companion sa isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood.
-
Dapat niyang “tiyakin na walang kasamaan sa simbahan, ni samaan ng loob sa bawat isa, ni pagsisinungaling, paninirang-puri, ni pagsasalita ng masama” (Doktrina at mga Tipan 20:54). Kabilang sa responsibilidad na ito ang pagiging tagapamayapa at pagiging halimbawa ng katapatan at kabanalan.
-
Dapat niyang “tiyakin na ang simbahan ay madalas na sama-samang nagtitipon, at tiyakin din na lahat ng kasapi ay gumagawa ng kanilang mga tungkulin” (Doktrina at mga Tipan 20:55).
-
Tinutulungan niya ang bishopric sa iba pang mga paraan na naaayon sa katungkulan ng isang teacher.
AnItala ang Iyong mga Impresyon