Library
Edukasyon


nag-aaral sa silid-aklatan

Pag-aaral ng Doktrina

Edukasyon

Buod

Kapag nalaman natin ang katotohanan mula sa mabubuting sources ng lahat ng uri, mas handa tayong gumawa sa mundo at maglingkod sa kaharian ng Diyos. Ipinahayag ng Panginoon, “Ang kaluwalhatian ng Diyos ay katalinuhan, o, sa ibang salita, liwanag at katotohanan” (Doktrina at mga Tipan 93:36). Lahat ng katotohanan ay nagmumula sa Ama sa Langit at nilayon para sa ikabubuti ng Kanyang mga anak. Nais ng Diyos na turuan natin ang ating isipan, pagbutihin ang ating mga kasanayan, at gawing perpekto ang ating mga kakayahan upang maging mas mabuting impluwensya tayo sa mundo, makapaglaan para sa ating sarili, sa ating pamilya, at sa mga nangangailangan, at maitayo ang kaharian ng Diyos (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:78–80).

Lahat ng katotohanan, espirituwal o sekular man, ay kasama sa plano ng Diyos para sa ating kaligtasan at kaligayahan. Itinuro ni Propetang Joseph Smith, “Anumang alituntunin ng katalinuhan ang ating matamo sa buhay na ito, ito ay kasama nating babangon sa pagkabuhay na mag-uli. At kung ang isang tao ay nagkamit ng maraming kaalaman at katalinuhan sa buhay na ito … siya ay magkakaroon ng labis na kalamangan sa daigdig na darating” (Doktrina at mga Tipan 130:18–19).

Ang Panginoon ay nagbigay sa bawat isa sa atin ng mga kaloob at hinihikayat tayo na pagbutihin ang mga ito at hangarin ang iba pang mga kaloob (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 46:8, 11; 1 Corinto 12:31). Itinagubilin din Niya sa atin na “maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118). Hinihikayat ng mga lider ng Simbahan ang mga miyembro na pagbutihin ang pagbasa at pagsulat, pag-aaral, at mga kasanayan.

Ang mga propeta ng Diyos sa makabagong panahong ito ay hinikayat ang kalalakihan at kababaihan na mag-aral hangga’t kaya nila. Sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley sa mga kabataang lalaki na “magsikap na makapag-aral. … Kunin ang lahat ng training hanggang kaya ninyo” (“Living Worthy of the Girl You Will Someday Marry,” Liahona, Mayo 1998). Hinikayat ni Pangulong Thomas S. Monson ang mga kabataang babae ng Simbahan na “ipagpatuloy ang inyong pag-aaral—kung hindi pa ninyo ito ginagawa o hindi pa nagawa” (“Tatlong Mithiin na Gagabay sa Inyo,” Liahona, Nobyembre 2007).

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

  • Trabaho

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

“Education for a Better Life”

“Education for Self-Reliance”

“Paying for My Education”

“Standards: Education—The Glory of God Is Intelligence”

“Education Is the Key to Opportunity”

Resources sa Pag-aaral

Pangkalahatang Resources

Edukasyon,” Para sa Lakas ng mga Kabataan

Church Educational System

Apply to Church Schools, Church Educational System

Seminary

Institutes of Religion

Brigham Young University

BYU–Idaho

BYU–Hawaii

Ensign College

BYU-Pathway Worldwide

Perpetual Education Fund, Self-Reliance Services

Mga Magasin ng Simbahan

Ang Kahalagahan ng Edukasyon,” Liahona, Enero 2013

Suzy Taggy Coelho Caldas Nelson, “Ang Kapangyarihan ng Edukasyon,” Liahona, Hunyo 2011

Shanna Butler, “Who? You!New Era, Nobyembre 2004

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento