Library
Kamatayan, Espirituwal


nananalangin si Jesus sa Getsemani

Pag-aaral ng Doktrina

Kamatayan, Espirituwal

Ang espirituwal na kamatayan ay pagkawalay sa Diyos. Itinuturo ng mga banal na kasulatan ang dalawang sanhi ng espirituwal na kamatayan. Ang unang sanhi ay ang Pagkahulog, at ang pangalawa ay ang sarili nating pagsuway. Ang kamatayang espirituwal ay madaraig sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo at sa pagsunod sa Kanyang ebanghelyo.

Buod

Ang espirituwal na kamatayan ay pagkawalay sa Diyos. Itinuturo ng mga banal na kasulatan ang dalawang sanhi ng espirituwal na kamatayan. Ang unang sanhi ay ang Pagkahulog, at ang pangalawa ay ang sarili nating pagsuway. Ang kamatayang espirituwal ay madaraig sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo at sa pagsunod sa Kanyang ebanghelyo.

Itinuro ng propetang si Samuel ng Aklat ni Mormon, “Ang buong sangkatauhan, sa pagkahulog ni Adan na nawalay sa harapan ng Panginoon, ay itinuturing na patay, kapwa sa mga bagay na temporal at sa mga bagay na espirituwal” (Helaman 14:16). Sa panahong nabubuhay tayo sa mundo, nawalay tayo sa piling ng Diyos. Sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala, tinubos ni Jesucristo ang lahat mula sa kamatayang espirituwal na ito. Nagpatotoo si Samuel na ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas ay “tumutubos sa buong sangkatauhan mula sa unang kamatayan—yaong kamatayang espirituwal. … Masdan, ang pagkabuhay na mag-uli ni Cristo ang tutubos sa sangkatauhan, oo, maging sa buong sangkatauhan, at magbabalik sa kanila sa harapan ng Panginoon” (Helaman 14:16–17). Itinuro ng propetang si Lehi na dahil sa Pagbabayad-sala, “lahat ng tao ay lalapit sa Diyos; kaya nga, sila ay tatayo sa harapan niya, upang hatulan niya alinsunod sa katotohanan at kabanalan na nasa kanya” (2 Nephi 2:10).

Ang karagdagang espirituwal na kamatayan ay dumarating dahil sa ating sariling pagsuway. Ginagawa tayong marumi ng ating mga kasalanan at hindi karapat-dapat na manirahan sa piling ng Diyos (tingnan sa Roma 3:23; Alma 12:12–16, 32; Helaman 14:18; Moises 6:57). Sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala, si Jesucristo ay naghahandog ng pagtubos mula sa kamatayang espirituwal na ito, ngunit mangyayari lamang ito kapag tayo ay sumampalataya sa Kanya, nagsisi ng ating mga kasalanan, at sumunod sa mga alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo (tingnan sa Alma 13:27–30; Helaman 14:19; Mga Saligan ng Pananampalataya 1:3).

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

2:58

Resources sa Pag-aaral

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento