Pag-aaral ng Doktrina
Pagtanaw ng Utang-na-Loob, Pasasalamat
Buod
Ang pagtanaw ng utang-na-loob ay pagpapahalaga at pasasalamat para sa mga pagpapala o tulong na natanggap natin. Kapag tayo ay mapagpasalamat, mas malamang na maging masaya tayo at espirituwal na matatag. Dapat palagi tayong nagpapasalamat sa Diyos para sa mga pagpapalang ibinibigay Niya sa atin at sa mga tao para sa kabutihang ginagawa nila para sa atin.
Ipinangako ng Panginoon, “At siya na tumatanggap ng lahat ng bagay nang may pasasalamat ay gagawing maluwalhati” (Doktrina at mga Tipan 78:19). Ang pagpapasalamat ay pag-uugali na nagpapasigla at nagpapadakila. Mas masaya ang mga tao kapag may pasasalamat sa kanilang mga puso. Hindi tayo makadarama ng pait, galit, o kawalang-malasakit kapag mapagpasalamat tayo.
Dapat nating ipagpasalamat ang napakagagandang pagpapalang bigay sa atin at ang napakalaking mga oportunidad na mayroon tayo. Maaari tayong magpasalamat sa ating mga magulang, pamilya, kaibigan, at guro. Dapat tayong magpasalamat sa lahat ng tao na tumulong sa atin sa anumang paraan.
Dapat nating pasalamatan ang ating Ama sa Langit para sa Kanyang kabutihan sa atin sa pamamagitan ng pagkilala sa Kanyang kapangyarihan sa lahat ng bagay, pinasasalamatan Siya sa lahat ng ibinibigay Niya sa atin, sinusunod ang Kanyang mga utos, at naglilingkod sa iba. Lalong dapat natin Siyang pasalamatan para sa Kanyang Pinakamamahal na Anak na si Jesucristo, para sa dakilang halimbawa ng Tagapagligtas, sa Kanyang mga turo, sa Kanyang pagnanais na palakasin at tulungan tayo, sa Kanyang walang-hanggang Pagbabayad-sala.
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Mga Video
Mga Video ng Tabernacle Choir
“I Stand All Amazed [Ako ay Namangha]”
“More Holiness Give Me [Kabanalang Lalo, Aking Kahilingan]”
“There Is Sunshine in My Soul Today [May Liwanag sa ’King Kaluluwa]”
Resources sa Pag-aaral
Pangkalahatang Resources
“Pasasalamat,” Para sa Lakas ng mga Kabataan: Pagtupad sa Ating Tungkulin sa Diyos
Mga Magasin ng Simbahan
“Ang Aking mga Panalangin ng Pasasalamat,” Liahona, Setyembre 2013
“Tanggapin ang Hamong Magpasalamat,” Liahona, Disyembre 2011