Pag-aaral ng Doktrina
Kababaihan sa Simbahan
Buod
Ang kababaihan ay mahalagang bahagi ng plano ng kaligayahan, at ang planong iyan ay hindi maisasagawa kung wala sila. Ang kababaihan ay nakikibahagi sa gawain ng kaligtasan, na kinabibilangan ng gawaing misyonero, pagpapanatiling aktibo ng mga bagong miyembro, pagpapaaktibo sa di-gaanong aktibong mga miyembro, gawain sa templo at family history, pagtuturo ng ebanghelyo, at pangangalaga sa mahihirap at nangangailangan. Bilang disipulo ni Jesucristo, bawat babae sa Simbahan ay binibigyan ng responsibilidad na unawain at ipagtanggol ang mga banal na responsibilidad ng kababaihan, bilang asawa, ina, anak, kapatid, tiya, at kaibigan. Sila ay nananatiling matatag at hindi natitinag sa pananampalataya, sa pamilya, at sa pagtulong. Nakikibahagi ang kababaihan sa mga council na namamahala sa mga aktibidad ng kongregasyon sa iba’t ibang panig ng mundo. Taglay rin nila, dahil sa banal na katangian, ang mas dakilang kaloob at responsibilidad sa tahanan at mga anak at pangangalaga roon at sa iba pang mga lugar.
Ang kababaihan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay kabilang sa at naglilingkod bilang mga lider sa Relief Society. Ang kababaihan ay naglilingkod at namumuno rin sa organisasyon ng Young Women para sa mga batang babae na edad 12 hanggang 18 taong gulang at sa organisasyon ng Primary para sa lahat ng batang edad 18 buwan hanggang 11 taong gulang. Nagtuturo rin ang kababaihan sa Sunday School. Ang kababaihan ay binibigyan ng pagkakataong manalangin sa mga miting ng Simbahan at magsalita rin sa mga lokal at pangkalahatang miting ng Simbahan.
Kapag ang kababaihan ay naglilingkod bilang pangulo ng Relief Society, Young Women, o Primary, nakikibahagi sila sa mga council meeting at sa mga pagpapasiya na ginagawa hinggil sa mga miyembro ng Simbahan sa kanilang unit.
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
-
Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian
-
Priesthood
-
Primary
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Babae, Kababaihan”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
“Mga Babaeng Bayani sa Aklat ni Mormon,” Liahona, Oktubre 2016