Library
Sakripisyo


mga pioneer na tumatawid sa nagyeyelong ilog

Pag-aaral ng Doktrina

Sakripisyo

Ang pagsasakripisyo ay pagsuko ng isang bagay na mahalaga, madalas na may layuning maisakatuparan ang mas malaking layunin o mithiin. Noon pa man, ang sakripisyo ay bahagi na ng ebanghelyo ni Jesucristo. Ito ay nagpapaalala sa dakilang nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo para sa lahat ng nabuhay o mabubuhay sa mundo.

Buod

Ang pagsasakripisyo ay pagsuko ng isang bagay na mahalaga, madalas nang may layuning maisakatuparan ang mas malaking layunin o mithiin. Noon pa man, ang sakripisyo ay bahagi na ng ebanghelyo ni Jesucristo. Ito ay nagpapaalala sa dakilang nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo para sa lahat ng nabuhay o mabubuhay sa mundo. Bago ang ministeryo ni Cristo, mga hain na hayop ang iniaalay para sa layuning ito. Pagkatapos ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, ang mga tagasunod ni Jesucristo—ayon sa Kanyang iniutos—ay nagsimulang mag-alay ng “bagbag na puso at nagsisising espiritu” (3 Nephi 9:20), kahandaang pagsisihan ang mga kasalanan at hangaring sundin si Jesucristo at iayon ang sariling buhay sa Kanyang mga kautusan.

Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ang dakila at walang hanggang sakripisyo na pinakamahalaga sa ebanghelyo (tingnan sa Alma 34:8–16). Bago isinakatuparan ng Tagapagligtas ang Pagbabayad-sala, ang Kanyang mga pinagtipanang tao ay nag-alay ng mga hayop bilang simbolo ng Kanyang sakripisyo. Ang gawaing ito ay nakatulong sa kanila na maisip kung ano ang mangyayari sa hinaharap hinggil sa Pagbabayad-sala (tingnan sa Moises 5:4–8). Ang utos na mag-alay ng mga hain na hayop ay nagwakas sa pagkamatay ni Jesucristo. Sa Simbahan ngayon, ang ordenansa ng sacrament ay nagpapaalala sa nagbabayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas.

Bukod pa sa pag-alaala sa nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo, ang mga miyembro ng Simbahan ay nag-aalay ng kanilang sariling sakripisyo: isang bagbag na puso at nagsisising espiritu. Sinabi ng Tagapagligtas: “Hindi na kayo mag-aalay pa sa akin ng pagbubuhos ng dugo; oo, ang inyong mga alay at inyong mga handog na sinusunog ay tatanggalin na. … At mag-aalay kayo bilang pinaka-hain sa akin ng isang bagbag na puso at nagsisising espiritu. At sinuman ang lalapit sa akin nang may bagbag na puso at nagsisising espiritu, siya ay bibinyagan ko ng apoy at ng Espiritu Santo” (3 Nephi 9:19–20).

Ang pagkakaroon ng bagbag na puso at nagsisising espiritu ay pagiging mapagpakumbaba at handang sumunod sa kalooban ng Diyos at sa payo ng mga yaong tinawag Niya na mamuno sa Kanyang Simbahan. Ito rin ay pagkakaroon ng matinding kalungkutan para sa kasalanan at ng taos-pusong hangarin na magsisi. Binigyang-diin ng propetang si Lehi ang kahalagahan ng pag-aalay ng sakripisyong ito: “Masdan, inihandog [ni Cristo] ang kanyang sarili na isang hain para sa kasalanan, upang tugunin ang layunin ng batas para sa lahat ng yaong may bagbag na puso at nagsisising espiritu; at walang sinumang maaaring makatugon sa mga layunin ng batas” (2 Nephi 2:7).

Ang mga yaong nagpapakita ng kanilang kahandaang magsakripisyo tulad ng iniutos ng Panginoon ay tatanggapin Niya. Itinuro Niya: “Lahat … na nakababatid na ang kanilang mga puso ay tapat, at bagbag, at ang kanilang mga kaluluwa ay nagsisisi, at handang tuparin ang kanilang mga tipan sa pamamagitan ng paghahain—oo, bawat paghahain na ako, ang Panginoon, ay ipag-uutos—sila ay tinatanggap ko” (Doktrina at mga Tipan 97:8).

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

  • Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Sakripisyo

Resources sa Pag-aaral

Mga Magasin ng Simbahan

Cassandra Lin Tsai, “Hindi Iyon Sakripisyo,” Liahona, Marso 2004

Ang Nagbabayad-salang Sakripisyo: Nagpapatotoo ang mga Propeta sa mga Huling Araw,” Liahona, Disyembre 2001

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento

Resources sa Pagtuturo

Mga Kuwento at Aktibidad para sa Pagtuturo sa mga Bata

Si Abraham at ang Pag-aalay kay Isaac,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan, kabanata 9

Media

Musika

Mga Larawan