Pag-aaral ng Doktrina
Kamatayan, Pisikal
Ang pisikal na kamatayan ay ang paghiwalay ng espiritu sa katawang mortal. Ang Pagkahulog ni Adan ay nagdulot ng pisikal na kamatayan sa mundo (tingnan sa Moises 6:48). Dahil sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, ang buong sangkatauhan ay mabubuhay na mag-uli at matutubos mula sa pisikal na kamatayan.
Buod
Ang pisikal na kamatayan ay ang paghiwalay ng espiritu sa katawang mortal. Ang Pagkahulog ni Adan ay nagdulot ng pisikal na kamatayan sa mundo (tingnan sa Moises 6:48). Dahil sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, ang buong sangkatauhan ay mabubuhay na mag-uli at matutubos mula sa pisikal na kamatayan.
Ang kamatayan ay mahalagang bahagi ng plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit (tingnan sa 2 Nephi 9:6). Para maging tulad ng ating Amang Walang Hanggan, dapat tayong makaranas ng kamatayan at tumanggap kalaunan ng perpekto at nabuhay na mag-uling katawan.
Kapag namatay ang pisikal na katawan, patuloy na nabubuhay ang espiritu. Sa daigdig ng mga espiritu, ang mabubuting espiritu “ay tatanggapin sa kalagayan ng kaligayahan, na tinatawag na paraiso, isang kalagayan ng pamamahinga, isang kalagayan ng kapayapaan, kung saan sila ay mamamahinga mula sa kanilang mga suliranin at sa lahat ng alalahanin at kalungkutan” (Alma 40:12). Ang lugar na tinatawag na bilangguan ng mga espiritu ay para sa “mga nangamatay sa kanilang mga kasalanan, na walang nalalaman sa katotohanan, o sa paglabag, na tumanggi sa mga propeta” (Doktrina at mga Tipan 138:32). Ang mga espiritung nasa bilangguan ay ‘[tinuturuan ng] pananampalataya sa Diyos, pagsisisi mula sa kasalanan, pagbibinyag alang-alang sa iba para sa kapatawaran ng mga kasalanan, ang kaloob na Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, at lahat ng iba pang alituntunin ng ebanghelyo na kinakailangan nilang malaman” (Doktrina at mga Tipan 138:33–34). Kung tatanggapin nila ang mga alituntunin ng ebanghelyo, magsisisi sa kanilang mga kasalanan, at tatanggapin ang mga ordenansang isinagawa para sa kanila sa mga templo, tatanggapin sila sa paraiso.
Dahil sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, ang pisikal na kamatayan ay pansamantala lamang: “ Sapagkat kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin” (1 Corinto 15:22). Lahat ng tao ay mabubuhay na mag-uli, ibig sabihin, ang espiritu ng bawat tao ay muling sasanib sa kanilang katawan—“[ibabalik] sa kanilang wasto at ganap na anyo” at hindi na saklaw ng kamatayan (Alma 40:23; tingnan din sa Alma 11:44–45).
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
-
Pasko ng Pagkabuhay
-
Imortalidad
-
Paraiso
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Kamatayan, Pisikal na”
Mga Karagdagang Mensahe
Resources sa Pag-aaral
Pangkalahatang Resources
“Mga Pamilya at ang Simbahan sa Plano ng Diyos,” Hanbuk 2, 1
Mga Magasin ng Simbahan
“Ano ang Mangyayari Kapag Namatay Tayo” Liahona, Marso 2013