Pag-aaral ng Doktrina
Pagkakaisa
Buod
Bago isinakatuparan ng Tagapagligtas ang Pagbabayad-sala, nanalangin Siya para sa Kanyang mga disipulo, na Kanyang isinugo sa mundo upang ituro ang ebanghelyo. Nanalangin din Siya para sa mga taong maniniwala sa Kanya dahil sa mga salita ng Kanyang mga disipulo. Nagsumamo Siya para sa pagkakaisa: “Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako’y sa iyo, na sila nama’y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako’y sinugo mo” (Juan 17:21). Mula sa mga panalanging ito nalaman natin kung paano tayo pinagkakaisa ng ebanghelyo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at sa isa’t isa. Kapag ipinamumuhay natin ang ebanghelyo, tinatanggap ang mga nakapagliligtas na ordenansa at tinutupad ang ating mga tipan, ang ating mga likas na pagkatao ay nababago. Ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas ay nagpapabanal sa atin, at maaari tayong mamuhay nang may pagkakaisa, tinatamasa ang kapayapaan sa buhay na ito at naghahandang makapiling ang Ama at ang Kanyang Anak magpakailanman.
Sinabi ng Panginoon, “Kung hindi kayo isa kayo ay hindi sa akin” (Doktrina at mga Tipan 38:27). Mapagsisikapan at mapaiigting natin ang pamantayang ito ng pagkakaisa sa ating pamilya at sa Simbahan. Kung tayo ay may asawa, tayo at ang ating asawa ay maaaring magkaisa sa layunin at gawain. Magagawa nating iugnay ang kani-kanya nating mga katangian habang magkasama nating hinaharap ang mga hamon sa buhay nang may pagmamahal at pag-unawa. Maaari din tayong makiisa sa iba pang mga miyembro ng pamilya at sa mga miyembro ng Simbahan sa pamamagitan ng paglilingkod nang magkasama, pagtuturo sa isa’t isa, at paghihikayat sa isa’t isa. Magiging kaisa tayo ng Pangulo ng Simbahan at ng iba pang mga lider ng Simbahan kapag pinag-aaralan natin ang kanilang mga salita at sinusunod ang kanilang mga payo.
Habang lumalago ang Simbahan sa buong mundo, ang lahat ng Banal sa mga Huling Araw ay maaaring magkaisa. Ang ating mga puso ay “magkakasama sa pagkakaisa at sa pag-ibig sa isa’t isa” (Mosias 18:21). Pinahahalagahan natin ang pagkakaiba-iba ng kultura at ng mga indibidwal, ngunit maaari din nating hangarin ang “pagkakaisa ng pananampalataya” na dumarating kapag sinusunod natin ang inspiradong mga lider at inaalala na tayong lahat ay mga anak ng iisang Ama (tingnan sa Mga Taga Efeso 4:3–6, 11–13).
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
-
Diyos Ama
-
Mga Ordenansa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Mga Video
Mga Video ng Tabernacle Choir
“Let Us Oft Speak Kind Words [Tayo nang Mag-usap Nang Marahan]”