Pag-aaral ng Doktrina
Paglikha
Sa ilalim ng pamamahala ng Ama sa Langit, nilikha ni Jesucristo ang langit at ang lupa (tingnan sa Mosias 3:8; Moises 2:1). Ang Paglikha ay mahalagang bahagi ng plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit. Binibigyan nito ang bawat isa sa atin ng pagkakataong pumarito sa lupa, kung saan natin matatanggap ang pisikal na katawan at magagamit ang ating kalayaan.
Buod
Sa ilalim ng pamamahala ng Ama sa Langit, nilikha ni Jesucristo ang langit at ang lupa (tingnan sa Mosias 3:8; Moises 2:1). Mula sa mga banal na kasulatan na inihayag sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith, alam natin na sa gawain ng Paglikha, inayos ng Panginoon ang mga elemento na naroon na (tingnan sa Abraham 3:24). Hindi Niya nilikha ang mundo “mula sa wala,” gaya ng paniniwala ng ilang tao.
Itinuturo din sa mga banal na kasulatan na si Adan “ang unang lalaki sa lahat ng kalalakihan” (Moises 1:34). Nilikha ng Diyos sina Adan at Eva ayon sa Kanyang sariling larawan at ayon sa wangis ng Kanyang Bugtong na Anak (tingnan sa Moises 2:26–27).
Ang Paglikha ay mahalagang bahagi ng plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit. Binibigyan nito ang bawat isa sa atin ng pagkakataong pumarito sa lupa, kung saan natin matatanggap ang pisikal na katawan at magagamit ang ating kalayaan. Sa Kapulungan ng mga Diyos sa premortal na buhay, ipinahayag ang sumusunod: “Bababa tayo, sapagkat may puwang doon, at tayo ay magdadala ng mga sangkap na ito, at tayo ay lilikha ng mundo kung saan sila makapaninirahan; at susubukin natin sila upang makita kung kanilang gagawin ang lahat ng bagay anuman ang iutos sa kanila ng Panginoon nilang Diyos” (Abraham 3:24–25).
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
-
Diyos Ama
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Likha, Paglikha”
Mga Karagdagang Mensahe
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
Diane L. Mangum, “Nilikha ng Ama sa Langit at ni Jehova ang Daigdig,” Liahona, Pebrero 2010
“Ang Mundo ay Nilikha para sa mga Anak ng Ama sa Langit,” Liahona, Pebrero 2013