1. T’wing maririnig, huni ng ibon
O langit ay mamasdan,
T’wing madarama, patak ng ulan
At ang hangin na kay inam.
T’wing masasamyo ang bulaklak
O daraan sa puno,
Anong ligaya ako’y mapabilang
Sa mundong likha ng Maylalang.
2. Mata’y likha N’ya nang makita,
Sari-saring mga kulay.
At mga himig naririnig
Sa likha N’ya sa ’king pandinig,
Sa aking buhay, isip, puso:
Nagpapasalamat ako
Lahat ng ito’y magsasabing
Ako ay mahal ng Ama sa Langit.