129a Ulo, Balikat, Tuhod at Paa May paglalaro Ulo, balikat, tuhod, at paa, Tainga, at bibig, ilong at mata. Awitin at ituro ang mga bahagi ng katawan. O, awitin nang mabagal at igalaw ang mga bahagi ng katawan habang binabanggit ang mga ito. Halimbawa, tumango, magkibit-balikat, lumuhod, tumingkayad, at iba pa. Titik at himig: Di-kilala