Musika
Ang Matalino at ang Hangal


132

Ang Matalino at ang Hangal

May sigla

1. Ang taong matalino’y nagtayo

Ng kubo sa ibabaw ng bato.

Ang kubo’y nasa ibabaw ng bato,

At bumuhos ang ulan.

2. Nang umulan ay biglang bumaha,

Nang umulan ay biglang bumaha,

Nang bumaha, ang bahay sa bato,

Nanatiling nakatayo.

3. Ang taong hangal, ay may kubong ’tinayo,

Doon sa buhangin n’ya ’to binuo.

Sa may buhangin ang kubo ’tinayo,

At bumuhos ang ulan.

4. Nang umulan ay biglang bumaha,

Nang umulan ay biglang bumaha,

Ang kubo na nasa may buhanginan

Ay inanod ng baha.

Mga galaw:
Bato: Isuntok nang malakas ang kanang kamao sa palad ng kaliwang kamay.
Ulan: Igalaw ang mga kamay mula itaas pababa.
Baha: Itaas ang mga kamay nang nakasahod ang mga palad.
Buhanginan: Iwagwag ang mga daliri at igalaw nang pabalik-balik ang mga braso sa harap ng katawan.
Inanod: Iwagwag ang mga daliri at igalaw ang mga braso palayo sa katawan.

Titik at himig: Katutubong awitin ng katimugan

Mateo 7:24–27

Helaman 5:12