119 May mga Munting Binhi sa Lupa Magaan 1. May mga munting binhi, Sa lupa ay tulog. “Gising,” sabi ng araw, “At nang lumago.” 2. Nagising mga binhi, Lumago, lumago. At ang sabi sa araw, “Salamat sa ’yo.” Magsagawa ng mga kilos ayon sa iminumungkahi ng mga salita. Titik at himig: Moiselle Renstrom, 1889–1956 Titik at himig © 1958, 1986 ng Pioneer Music Press, Inc. (Jackman Music Corporation). Lahat ng karapatan ay nakalaan. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa isahan, di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.