94
Tinawag Upang sa Diyos Maglingkod
May tibay ng loob
1. Tinawag upang sa Diyos maglingkod,
At magpatotoo sa Kanya;
Kahit sa’n aming ’binabalita,
Ang pag-ibig ng Ama.
[Chorus]
Sulong, at pagsulong, l’walhati sa ngalan N’ya;
Sulong, at pagsulong, l’walhati sa ngalan N’ya;
Sulong, magsisulong habang nagsisiawit.
Diyos ating lakas, sulong maglingkod,
Tinawag ng Diyos.
2. Tinawag upang biyaya’y kamtin,
Ang Ama nati’y isang Hari;
Ebanghelyo N’ya’y ipapangaral,
Papuri’y iaalay.
[Chorus]
Sulong, at pagsulong, l’walhati sa ngalan N’ya;
Sulong, at pagsulong, l’walhati sa ngalan N’ya;
Sulong, magsisulong habang nagsisiawit.
Diyos ating lakas, sulong maglingkod,
Tinawag ng Diyos.
Tingnan din sa Mga Himno (2002), blg. 151
Titik: Grace Gordon, bin.
Himig: Adam Geibel, 1855–1933