1. Tahan na, anak ko; ako’y may k’wento,
Tungkol kay Jesus nang s’ya’y pumarito.
Sa ibayong dagat bayang kaylayo.
’Sinilang na, munting sanggol tulad mo.
[Chorus]
Tulog na, tulog, aking anak,
Wala kang dapat na ipangamba.
Tulog na, tulog aking anak,
Si Jesus sa iyo ay lilingap.
2. Kwento ng manga anghel ang naghatid,
Habang ang liwanag ay walang patid.
Sa mga bitwin ay isa ang tangi,
Tumanod sa sanggol at nanatili.
[Chorus]
Tulog na, tulog, aking anak,
Wala kang dapat na ipangamba.
Tulog na, tulog aking anak,
Si Jesus sa iyo ay lilingap.
3. Ang mga pastol, s’ya ay natagpuan,
Kawawang sanggol na walang higaan.
Sa sabsaban tahimik S’yang nahiga.
Munting si Jesus mahimbing payapa.
[Chorus]
Tulog na, tulog, aking anak,
Wala kang dapat na ipangamba.
Tulog na, tulog aking anak,
Si Jesus sa iyo ay lilingap.
Titik at himig: Joseph Ballantyne, 1868–1944
Ostinato: Patricia Haglund Nielsen, p. 1936. © 1989 IRI