92
Katotohanan Niya’y Dadalhin Natin sa Mundo
Hukbo ni Helaman
Taimtim
1. Tulad ni Nephi ay ’sinilang,
sa maka-Diyos na mga magulang.
Naturuan kami nang puspos;
Dapat sundin ang utos ng Diyos.
[Chorus]
Tulad ng hukbo ni Helaman.
Bata pang naturuan.
Sa Diyos magsisilbing misyonero,
Katotohana’y alay.
2. Sa huling araw ’tinalaga
Pauunlarin kaharian n’ya.
Propeta’y aming sinusunod;
“Karapat-dapat ay maglingkod.”
[Chorus]
Tulad ng hukbo ni Helaman.
Bata pang naturuan.
Sa Diyos magsisilbing misyonero,
Katotohana’y alay.
3. Plano ng Diyos, pag-aaralan,
Kaalaman nami’y daragdagan.
Araw-araw ay maghahanda,
Hanggang kami ay tawagin na.
[Chorus]
Tulad ng hukbo ni Helaman.
Bata pang naturuan.
Sa Diyos magsisilbing misyonero,
Katotohana’y alay.
Katotohana’y alay.
Titik at himig: Janice Kapp Perry, p. 1938
© 1983 ni Janice Kapp Perry. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa isahan, di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.