1. Utos ng Diyos kay Nephi, kunin ang lamina.
Doon sa lungsod, kay Laban na kaysama.
Laman at Lemuel, natatakot sila.
Matapang si Nephi, at s’ya’y nagwika:
[Chorus]
“Gagawin, susundin, utos ng Diyos sa ’kin.
Magbibigay S’ya ng daan upang ito’y tupdin.
Gagawin, susundin, utos ng Diyos sa ’kin.
Magbibigay S’ya ng daan upang ito’y tupdin.”
2. Utos ng Diyos kay Nephi gumawa ng barko.
Wika nina Laman, “Ito ay lulubog.”
“H’wag nang subukan,” ang kanilang kutya.
Matapang si Nephi, at s’ya’y nagwika:
[Chorus]
“Gagawin, susundin, utos ng Diyos sa ’kin.
Magbibigay S’ya ng daan upang ito’y tupdin.
Gagawin, susundin, utos ng Diyos sa ’kin.
Magbibigay S’ya ng daan upang ito’y tupdin.”
3. Ang utos ng Diyos sa ’tin, hiling N’ya ay sundin.
Ngunit minsan ay iba’ng nais kong gawin.
Kung walang pag-asa’t tila ’di kaya,
Magiging matapang, at magwiwika:
[Chorus]
“Gagawin, susundin, utos ng Diyos sa ’kin.
Magbibigay S’ya ng daan upang ito’y tupdin.
Gagawin, susundin, utos ng Diyos sa ’kin.
Magbibigay S’ya ng daan upang ito’y tupdin.”
Titik at himig: Bill N. Hansen Jr., p. 1952, at Lisa T. Hansen, p. 1958.
© 1986 ni Wilford N. Hansen Jr. at Lisa Tensmeyer Hansen. Ang lahat ng karapatan ay nakalaan.Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa isahan, di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.