1. Nang si Jose sa Bethlehem noon ay nagtungo,
Sa wari ko’y naghanda s’ya’t nag-ayos nang wasto.
Sa paglakbay, si Maria ay kanyang inaruga,
Marahil ay nagbaon ng tinapay at keso.
2. Nang maghanap ng tutulugan, sadya s’yang magalang.
Manghang maging patnubay ng banal na nilalang.
Marahil magdamag, telang sapin ay inayos,
At kay Jesus ’pinadama maingat n’yang haplos.
3. Ang ilawan sa sabsaban, kanyang hininaan
At ang munting Jesus, buong gabi’y kanyang tangan.
Titik: Bessie Saunders Spencer, 1898–1989. © 1960 IRI.
Himig: I. Reed Payne, p. 1930. © 1977 IRI