2
Ako ay Anak ng Diyos
Mataimtim
1. Ako ay anak ng Diyos,
Dito’y isinilang;
Handog sa ’kin ay tahana’t
Mabuting magulang.
[Chorus]
Akayin at patnubayan
Sa tamang daan,
’Turuan ng gagawin
Nang S’ya’y makapiling.
2. Ako ay anak ng Diyos,
Nangangailangang
Matutuhan Kanyang aral
Habang bata pa lang.
[Chorus]
Akayin at patnubayan
Sa tamang daan,
’Turuan ng gagawin
Nang S’ya’y makapiling.
3. Ako ay anak ng Diyos,
Biyaya’y kakamtin;
Kung ang nais N’ya’y susundin,
S’ya’y makakapiling.
[Chorus]
Akayin at patnubayan
Sa tamang daan,
’Turuan ng gagawin
Nang S’ya’y makapiling.
4. Ako ay anak ng Diyos,
T’yak ang pangako N’ya;
Magsikap lang, makakamtan
Ko ang l’walhati N’ya.
[Chorus]
Akayin at patnubayan
Sa tamang daan,
’Turuan ng gagawin
Nang S’ya’y makapiling.
Opsiyonal na descant (sa berso 3) para sa boses o instrumento.
Ako ay anak ng Diyos,
Biyaya’y kakamtin;
Kung nais N’ya’y susundin,
S’ya’y makakapiling.
Ako’y patnubayan,
Sa mabuting daan.
’Turuan ng gagawin
Nang S’ya’y makapiling.
Tingnan din sa Mga Himno (2002) blg. 189, para sa apat-na-bahaging pagsasaayos sa mas mataas na tono.
Titik: Naomi Ward Randall, 1908–2001. © 1957 IRI. Pang-apat na talata © 1978 IRI
Himig: Mildred Tanner Pettit, 1895–1957. © 1957 IRI. Isin. ni Darwin Wolford, p. 1936. Isin. © 1989 IRI