66
Babasahin, Uunawain at Mananalangin
Madamdamin
1. Hilig kong laging binabasa,
kasulatang banal.
Espiritu’y dama, Sa puso ko t’wina,
Nalalamang aklat ay tunay.
[Chorus]
Babasahin ko,
Uunawaing husto.
Mananalangin; At patotoo
sa puso’y kakamtin ko.
2. Kaya’t ako’y mananalangin
Sa t’wing magbabasa
Nang maunawaan, Kanyang kagustuhan
At masunod ang nais N’ya.
[Chorus]
Babasahin ko,
Uunawaing husto.
Mananalangin; At patotoo
sa puso’y kakamtin ko.
Titik: Jaclyn Thomas Milne, p. 1949. © 1986 IRI
Himig: Carol Baker Black, p. 1951. © 1986 IRI