Pag-aaral ng Doktrina
Awa
Buod
Ang awa ay ang mahabaging pagtrato sa isang tao nang higit pa sa nararapat, at ito ay ginawang posible sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Alam ng ating Ama sa Langit ang ating mga kahinaan at kasalanan. Nagpapakita Siya ng awa kapag pinapatawad Niya tayo sa ating mga kasalanan at tinutulungan Niya tayong makabalik upang mamuhay sa Kanyang piling.
Ang pagkahabag ng Diyos ay parang taliwas sa batas ng katarungan, na nag-uutos na walang maruming bagay ang tutulutang makapanahang kasama Niya (tingnan sa 1 Nephi 10:21). Ngunit pinapangyari ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo na ang Diyos ay “maging isang ganap, makatarungang Diyos, at isa ring maawaing Diyos” (Alma 42:15).
Natugunan ng Tagapagligtas ang mga hinihingi ng katarungan nang tumayo Siya sa ating kinatatayuan at pagdusahan Niya ang kaparusahan para sa ating mga kasalanan. Dahil sa di-makasariling paggawa nito, maaaring buong awang pigilan ng Ama ang pagpaparusa sa atin at tanggapin Niya tayo sa Kanyang piling. Upang matanggap ang kapatawaran ng Panginoon, kailangan nating pagsisihan nang taos-puso ang ating mga kasalanan. Tulad ng itinuro ng propetang si Alma, “Isinasagawa ng katarungan ang lahat ng kanyang hinihingi, at inaangkin din ng awa ang lahat ng kanya; at sa gayon walang maliligtas kundi ang tunay na nagsisisi” (Alma 42:24; tingnan din sa Alma 42:22–23, 25).
Hindi lamang ang kapatawaran ng kasalanan ang kaloob na awa mula sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Ang bawat pagpapalang natatanggap natin ay dahil sa awa, higit pa sa maaari nating makamtan nang mag-isa. Itinuro ni Mormon, “Ang lahat ng bagay na mabubuti ay nagmumula kay Cristo; kung hindi, ang tao ay nahulog, at walang mabuting bagay ang darating sa kanila” (Moroni 7:24). Halimbawa, tayo ay tumatanggap ng banal na awa kapag dinirinig at sinasagot ng Ama sa Langit ang ating mga panalangin, kapag tumatanggap tayo ng patnubay mula sa Espiritu Santo, at kapag gumagaling tayo mula sa karamdaman sa pamamagitan ng kapangyarihan ng priesthood. Bagama’t dumarating ang lahat ng pagpapalang iyon dahil sa ating pagsunod, hindi natin matatanggap ang mga iyon sa pamamagitan lamang ng sarili nating mga pagsisikap. Ang mga ito ay maawaing kaloob mula sa isang mapagmahal at mahabaging Ama.
Habang kausap ang Kanyang mga disipulo, iniutos ng Tagapagligtas: “Maging maawain kayo, gaya ng inyong Ama na maawain” (Lucas 6:36). Matutularan natin ang halimbawa ng awa ng ating Ama sa Langit sa ating mga pakikipag-ugnayan sa iba. Maaari nating sikapin na alisin sa ating buhay ang kahambugan, kapalaluan, at kayabangan. Maaari tayong maghanap ng mga paraan upang maging mahabagin, magalang, mapagpatawad, mahinahon, at matiisin, kahit alam natin ang mga pagkukulang ng iba.
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagkahabag”
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Awa, Maawain,” “Bayad-sala, Pagbabayad-sala”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Mga Video
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
Randy L. Daybell, “Maawaing Katulad ni Cristo,” Liahona, Setyembre 2013
Brad Wilcox, “Ang Kanyang Biyaya ay Sapat,” Liahona, Setyembre 2013