Library
Biyaya


si Jesucristo kasama ang ibang tao

Pag-aaral ng Doktrina

Biyaya

Ang biyaya ay banal na tulong o lakas na ibinibigay sa atin sa pamamagitan ng awa at pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoon, na naging posible dahil sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo, ang lahat ng taong nabuhay ay mabubuhay na mag-uli—ang ating espiritu at katawan ay muling magsasama, at hindi na maghihiwalay kailanman. Sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, binibigyan din ng Panginoon ng pagkakataong magsisi at mapatawad ang mga taong nagsasabuhay ng Kanyang ebanghelyo.

Buod

Ang biyaya ay tulong o lakas na ibinibigay sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ng Panginoong Jesucristo. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ang lahat ng taong nabuhay ay mabubuhay na mag-uli—ang ating espiritu at katawan ay muling magsasama, at hindi na maghihiwalay kailanman. Sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, binibigyan din ng Panginoon ng pagkakataong magsisi at mapatawad ang mga taong nagsasabuhay ng Kanyang ebanghelyo.

Ang biyaya ay isang kaloob mula sa Ama sa Langit na ibinibigay sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesucristo. Ang salitang biyaya, ayon sa pagkakagamit sa mga banal na kasulatan, ay karaniwang tumutukoy sa nagbibigay-kakayahang kapangyarihan at espirituwal na pagpapagaling na inihahandog sa pamamagitan ng awa at pagmamahal ni Jesucristo.

Mararanasan ng lahat ng tao sa mundo ang pisikal na kamatayan. Sa pamamagitan ng biyaya ni Jesucristo, ang lahat ay mabubuhay na mag-uli at mabubuhay magpakailanman (tingnan sa 1 Corinto 15:20–22; 2 Nephi 9:6–13).

Dahil sa mga sariling pagpili, nararanasan din ng lahat ang mga epekto ng kasalanan (tingnan sa 1 Juan 1:8–10; Mosias 16:4). Ang mga epektong ito ay tinatawag na espirituwal na kamatayan. Walang sinuman ang makababalik sa kinaroroonan ng Diyos nang walang banal na biyaya. Sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala, lahat tayo ay maaaring mapatawad sa ating mga kasalanan; maaari tayong maging malinis sa harapan ng Diyos. Upang matanggap ang nagbibigay-kakayahang kapangyarihang ito, kailangan nating sundin ang ebanghelyo ni Jesucristo, na kinapapalooban ng pananampalataya sa Kanya, pagsisisi sa ating mga kasalanan, pagpapabinyag, pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo, at pagsisikap na sundin ang mga turo ni Jesucristo habambuhay (tingnan sa Efeso 2:8–9; Santiago 2:17–22; 2 Nephi 25:23; 31:20).

Tinutulungan tayo ng biyaya ng Diyos sa bawat araw. Pinalalakas tayo nito upang magawa ang mabubuting bagay na hindi natin magagawa nang mag-isa. Nangako ang Panginoon na kung tayo ay magpapakumbaba sa Kanyang harapan at mananampalataya sa Kanya, tutulungan tayo ng Kanyang biyaya na madaig ang lahat ng sarili nating kahinaan (tingnan sa Eter 12:27).

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan

  • Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Biyaya

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

2:12

5:42

1:36

1:7

1:34

3:27

6:50

1:18

Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

More Holiness Give Me [Kabanalang Lalo, Aking Kahilingan]

Resources sa Pag-aaral

Mga Magasin ng Simbahan

Joshua J. Perkey, “Biyaya at ang Pagbabayad-Sala ni Jesucristo,” Liahona, Marso 2014

Brad Wilcox, “Ang Kanyang Biyaya ay Sapat,” Liahona, Setyembre 2013

Rosie Kaufman, “Biyaya para sa Inang Pato at sa Akin,” Liahona, Agosto 2013

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Media

Musika