Pag-aaral ng Doktrina
Pagsunod
Ang isang dahilan kaya tayo narito sa lupa ay upang ipakita ang kahandaan natin na sundin ang mga kautusan ng Ama sa Langit. Nagbibigay ang Diyos ng mga kautusan para sa ating kapakinabangan. Ang pagsunod sa mga kautusan ay naghahatid ng mga pagpapala mula sa Diyos at nagpapakita ng ating pagmamahal para sa Kanya.
Buod
May mga taong nag-aakala na pabigat ang mga kautusan at na nililimitahan ng mga ito ang kanilang kalayaan at personal na pag-unlad. Ngunit itinuro ng Tagapagligtas na ang totoong kalayaan ay nagmumula lamang sa pagsunod sa Kanya: “Kung kayo’y mananatili sa aking salita, tunay ngang kayo’y mga alagad ko; at inyong malalaman ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo” (Juan 8:31–32). Nagbibigay ang Diyos ng mga kautusan para sa ating kapakinabangan. Ang mga ito ay mga tagubilin na puno ng pagmamahal para sa ating kaligayahan at para sa ating pisikal at espirituwal na kapakanan.
Sa buhay bago tayo isinilang sa mundong ito, namuno ang Ama sa Langit sa isang malaking Kapulungan sa Langit. Doon ay nalaman natin ang tungkol sa Kanyang plano para sa ating kaligtasan, na kinapapalooban ng panahon ng pagsubok sa lupa: “Tayo ay lilikha ng mundo kung saan sila makapaninirahan; at susubukin natin sila upang makita kung kanilang gagawin ang lahat ng bagay anuman ang iutos sa kanila ng Panginoon nilang Diyos” (Abraham 3:24–25). Ang isang dahilan kaya tayo narito sa lupa ay upang ipakita ang kahandaan natin na sundin ang mga kautusan ng Ama sa Langit.
Itinuro ni Propetang Joseph Smith na ang pagsunod sa mga kautusan ay naghahatid ng mga pagpapala mula sa Diyos. Sabi niya: “May isang batas, hindi mababagong utos sa langit bago pa ang pagkakatatag ng daigdig na ito, kung saan ang lahat ng pagpapala ay nakasalalay—at kapag tayo ay nagtatamo ng anumang mga pagpapala mula sa Diyos, ito ay dahil sa pagsunod sa batas kung saan ito ay nakasalalay” (Doktrina at mga Tipan 130:20–21). Itinuro in ni Haring Benjamin ang alituntuning ito. “Ninanais kong inyong isaalang-alang ang pinagpala at maligayang kalagayan ng mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos,” payo niya. “Sapagkat masdan, sila ay pinagpala sa lahat ng bagay, kapwa temporal at espirituwal; at kung sila ay mananatiling matapat hanggang wakas, sila ay tatanggapin sa langit upang doon sila ay manahanang kasama ng Diyos sa kalagayan ng walang katapusang kaligayahan. O tandaan, tandaan na ang mga bagay na ito ay totoo; sapagkat ang Panginoong Diyos ang siyang nagsabi ng mga ito” (Mosias 2:41).
Ang pagsunod natin sa mga kautusan ay pagpapahayag ng ating pagmamahal para sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Sinabi ng Tagapagligtas, “Kung ako’y inyong minamahal ay tutuparin ninyo ang aking mga utos” (Juan 14:15). Ipinahayag Niya kalaunan: “Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay mananatili kayo sa aking pag-ibig gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako’y nananatili sa kanyang pag-ibig” (Juan 15:10).
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagsunod, Masunurin, Sumunod”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Video
Mga Video ng Tabernacle Choir
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
Isaias Vargas Chavarria, “Alanganing Maging Matapat, Pinagpala nang Sagana,” Liahona, Marso 2017
“Ang Halimbawa ng Pagsunod ng Tagapagligtas,” Liahona, Abril 2015
Russell M. Nelson, “Bakit napakahalagang maging masunurin?” Liahona, Abril 2015
“Ang mga Katangian ni Jesucristo: Masunuring Anak,” Liahona, Enero 2015
“Pagkadama sa Pag-ibig ng Panginoon sa Pamamagitan ng Pagsunod,” Liahona, Marso 2004