Library
Pagsisisi


“Pagsisisi,” Mga Paksa at Mga Tanong (2023)

babae na nakatingin sa bintana

Gabay sa Pag-aaral ng Ebanghelyo

Pagsisisi

Pag-unlad at pagpapakabuti sa pamamagitan ng pagmamahal at awa ni Jesucristo

Mahal tayo ng Ama sa Langit. Higit sa anupaman, nais Niyang makabalik tayo sa Kanya. Ngunit ang ating mga kasalanan at kakulangan ay inihihiwalay tayo sa Diyos. Hinahadlangan tayo nito na makabalik sa Kanyang piling at maging katulad Niya. Gayunpaman, may pag-asa pa. Dahil mahal na mahal tayo ng Ama sa Langit, isinugo Niya ang Kanyang Anak na si Jesucristo upang iligtas tayo. Kusang-loob na inako ni Cristo ang ating mga kasalanan at kakulangan upang tayo ay mapatawad, patuloy na umunlad, at kalaunan ay makabalik sa piling ng ating Ama sa Langit. Ang dakilang kaloob na ito ay tinatawag na Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Nagsisimula nating matanggap ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala ni Cristo kapag sumasampalataya tayo sa Kanya at nagsisisi ng ating mga kasalanan.

Ano ang Pagsisisi?

Ang pagsisisi ay pagbabago ng puso’t isipan—pagtalikod sa kasalanan at pagbalik sa Diyos. Nadarama ito kapag nakararanas tayo ng kalumbayang mula sa Diyos dahil sa pagkakasala (tingnan sa 2 Corinto 7:9–11). Kapag nagsisisi tayo, tapat nating inaamin ang ating mga pagkakamali at kasalanan, ginagawa natin ang makakaya natin para itama ang mga ito, sinisikap nating gawin ang lahat ng kinakailangang pagbabagong magagawa natin, at mapagpakumbaba tayong umaasa sa kapangyarihan ng Tagapagligtas na baguhin ang hindi natin kayang baguhin. Ang taos-pusong pagsisisi ay maaaring mangyari kapag nanampalataya tayo kay Jesucristo at sa Kanyang kakayahang linisin tayo.

Buod ng Paksa: Pagsisisi

Mga kaugnay na gabay sa pag-aaral ng ebanghelyo: Pananampalataya kay Jesucristo, Pagbabayad-sala ni Jesucristo, Sakramento, Pagsunod

Bahagi 1

Nalinis sa pamamagitan ng Pagsisisi: “Paano Ito Nangyari?”

lalaking nagdarasal

Sa Aklat ni Mormon, inilarawan ng propetang si Enos ang “pakikipagtunggaling ginawa [niya] sa harapan ng Diyos” nang humingi siya ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan. Nang sa wakas ang kanyang “pagkakasala ay napalis,” itinanong niya ang isang bagay na marahil ay pinag-iisipan mo: “Panginoon, paano ito nangyari?” Basahin ang kanyang karanasan sa Enos 1:1–8. Paano nabago si Enos? Ano ang natutuhan mo sa paraan ng paglalarawan niya sa kanyang pagsisisi?

Mangyari pa, ang tanging paraan para lubos na maunawaan ang pagsisisi ay maranasan ito. Habang nagsisisi ka at nadarama ang kapayapaan at kagalakan ng pagpapatawad, isiping isulat ang iyong karanasan. Maaaring mahikayat ka pang ibahagi ito sa isang kapamilya o kaibigan.

Mga bagay na pag-iisipan

  • Paano natin matatanggap ang naglilinis na kapangyarihan ng Tagapagligtas sa ating buhay? Mahahanap mo ang mga sagot sa tanong na ito sa mensahe ni Pangulong Dallin H. Oaks na “Nalinis sa Pamamagitan ng Pagsisisi.”1 Pag-isipan ang mga turong matatagpuan lalo na sa unang bahagi, na may pamagat na “Pagsisisi.” Pagnilayan kung ano ang nais ng Panginoon na gawin mo para makatanggap ng kapatawaran sa iyong mga kasalanan.

    • Alaming mabuti ang sinabi ng Tagapagligtas tungkol sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo para sa atin sa 3 Nephi 9:13–14 at Doktrina at mga Tipan 19:16–19. Ano kaya ang mga mensahe ng Panginoon, lalo na para sa iyo, sa Kanyang mga salita?

    • Pansinin ang mga salita at parirala na naglalarawan ng kapatawaran sa Jeremias 33:6–9; Alma 5:21. Ano ang ipinahihiwatig sa iyo ng mga salita at pariralang ito tungkol sa pagsisisi at kapatawaran ng kasalanan?

Aktibidad sa pag-aaral kasama ang iba

  • Nagsalita ang propetang si Isaias tungkol sa paghuhugas at paglilinis nang ituro niya ang tungkol sa pagsisisi. Isiping basahin ang Isaias 1:16–18 bilang pamilya habang magkakasamang naglilinis ng isang bagay, tulad ng damit o pinggan. Bakit naging posible na maging malinis ang mga bagay na ito? Bakit nagiging posible para sa atin na maging espirituwal na malinis—o malinis mula sa ating mga kasalanan? (tingnan sa 3 Nephi 27:19–20).

    Maaari mo ring ikumpara ang pakiramdam ng maging malinis sa pisikal sa pakiramdam ng mapatawad sa ating mga kasalanan.

Alamin ang iba pa

Bahagi 2

Ang Ibig Sabihin ng Pagsisisi ay Pagbabago—at Ito ay para sa Lahat

babaeng nakatanaw sa labas ng bintana

Ang mga banal na kasulatan ay nagbibigay ng maraming halimbawa ng mga tao na tila walang hangaring magbago ngunit, sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jesucristo, ay nagsisi at naging matwid. Si Apostol Pablo, ang marami sa mga Lamanita, at ang Nakababatang Alma ay nakaranas ng matinding pagbabago ng puso. Tinalikuran nila ang kasalanan at bumaling sa Tagapagligtas, na nagtulot sa Kanya na baguhin ang kanilang buhay. Kung minsan ang pagbabagong ito ay tila biglang nangyayari; mas madalas ito ay unti-unting pagbabago. Anupaman ito, isang himala ang ibinibigay ni Jesucristo sa lahat ng nagsisisi. At ito ang himalang kailangan nating lahat, “yamang ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos” (Roma 3:23).

Mga bagay na pag-iisipan

Mga aktibidad sa pag-aaral kasama ang iba

  • Ang mundo ay puno ng mga halimbawa ng kahanga-hangang pagbabago—isang maliit na binhi na nagiging isang malaking puno, isang caterpillar na nagiging isang paruparo, isang itlog na nagiging agila. Maaari mong pag-aralan o ng iyong pamilya ang ilan sa mga halimbawang ito at basahin ang 2 Corinto 5:17. Maaaring masundan ito ng pag-uusap tungkol sa pagbabago na posible dahil kay Jesucristo.

  • Maaaring ikasiya ng maliliit na bata na matutuhan ang tungkol sa pagsisisi mula sa mga Kuwento sa Aklat ni Mormon, tulad ng mga halimbawa mula sa “Kabanata 18: Nagsisi ang Nakababatang Alma3 at “Kabanata 26: Ang mga Tao ni Ammon.”4 Paano tinulungan ng Tagapagligtas ang mga taong ito na magbago?

  • Maaari mo ring ilista ang ilan sa mga katangian ng Ama sa Langit at ni Jesucristo (ang himnong “Kabanalang Lalo, Aking Kahilingan5 ay may ilang binanggit). Sa paanong mga paraan tayo maaaring magbago upang maging higit na katulad Nila? Paano Nila tayo tinutulungang gawin iyon?

Alamin ang iba pa

Bahagi 3

Ang Pagsisisi ay Kagalakan

binatilyong nakangiti

Dahil maaaring mahirap ang pagbabago, kung minsa’y maaaring natatakot tayong magsisi. Siguro iniisip natin na ito ay isang bagay na nakapanlulumo o nakalulungkot o napakahirap gawin. Ngunit ang plano ng Ama sa Langit ay isang plano ng kaligayahan. Sa pamamagitan ng pagsisisi, maaari tayong maging mas mabait, mapagmahal, matiyaga, mapagpakumbaba, at masaya.

Ang kasalanan ay nagdudulot ng kalungkutan—pagsisisi ang paraan ng pagtakas natin sa kalungkutang iyon.

Mga bagay na pag-iisipan

Mga aktibidad sa pag-aaral kasama ang iba

  • Maaari ninyong panoorin ang isa o ang dalawang video na ito kasama ang iba para malaman pa ang tungkol sa kagalakan ng pagsisisi: “The Shiny Bicycle” (3:04) at ang “The Goal: A Story of Faith, Friendship, and Forgiveness” (7:27). Habang pinanonood ninyo ang mga video, alamin ang (1) mga bagay na nagpalungkot sa tao sa video at (2) mga bagay na nagpasaya sa tao. Maaari din ninyong alamin ang mga bagay na ito sa mga talinghaga sa Lucas 15.

  • O maaari ninyong pag-usapan ang isang pagkakataon na gumaling ang isang tao mula sa isang sakit o pinsala at ikumpara ang karanasang iyon sa pagsisisi. Basahin ang 3 Nephi 9:13–14, at pag-usapan ang kagalakang nadarama natin kapag espirituwal tayong pinagagaling ng Tagapagligtas kapag nagsisisi tayo. Ano ang maaari nating sabihin para tulungan ang isang tao na natatakot magsisi?

Alamin ang iba pa