Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 18: Nagsisi ang Nakababatang Alma


Kabanata 18

Nagsisi ang Nakababatang Alma

Alma ordaining others

Ginawa ni Haring Mosias si Alma na pinuno ng Simbahan sa Zarahemla. Pagkatapos ay pumili si Alma ng ibang kalalakihan upang tulungan siyang turuan ang mga Nephita.

believers being persecuted

Nag-alala sina Alma at Haring Mosias dahil ang mga hindi nananampalataya ay nagpapahirap sa mga kasapi ng Simbahan dahil sa kanilang mga paniniwala.

Alma the Younger

Si Alma ay may anak na lalaki na nagngangalang Alma. Ang Nakababatang Alma ay hindi naniniwala sa mga turo ng kanyang ama at naging masamang tao.

Alma the Younger and sons of King Mosiah

Ang Nakababatang Alma at ang apat na anak na lalaki ni Haring Mosias ay lumaban sa Simbahan. Nahimok nila ang maraming tao na iwan ang Simbahan at maging masama.

Alma praying

Nanalangin si Alma na matutuhan ng kanyang anak ang katotohanan at magsisi.

Alma the Younger and sons of King Mosiah

Nagpatuloy ang Nakababatang Alma at ang mga anak na lalaki ni Haring Mosias sa pagsisikap na sirain ang Simbahan.

angel appearing to men

Isang araw, isang anghel ang nagpakita sa kanila. Nagsalita ang anghel sa isang malakas na tinig na nagpayanig sa lupa.

young men being frightened by angel

Lubos na natakot ang limang kabataang lalaki kung kaya’t nabuwal sila sa lupa. Sa simula hindi nila maunawaan kung ano ang sinasabi ng anghel.

angel talking to Alma the Younger

Dumating ang anghel bilang pagtugon sa mga panalangin ng mga kasapi ng Simbahan. Tinanong ng anghel ang Nakababatang Alma kung bakit nilalabanan niya ang Simbahan.

Alma the Younger

Yumayanig ang lupa habang sinasabihan ng anghel ang Nakababatang Alma na tumigil sa pagtatangkang sirain ang Simbahan.

boys falling down

Ang Nakababatang Alma at ang mga anak na lalaki ni Mosias ay muling nabuwal. Nakakita sila ng anghel, at alam nila na ang kapangyarihan ng Diyos ang nagpayanig sa lupa.

Alma the Younger on ground

Lubhang namangha ang Nakababatang Alma kung kaya’t hindi siya nakapagsalita. Lubos siyang nanghina kung kaya’t ni hindi niya naigalaw ang kanyang mga kamay.

Alma the Younger being carried

Binuhat ng mga anak na lalaki ni Mosias ang Nakababatang Alma patungo sa kanyang ama at sinabi sa kanya ang lahat nang nangyari sa kanila.

Alma praying

Naging masaya si Alma. Alam niyang tinugon ng Diyos ang kanyang mga panalangin.

Alma the Younger on bed

Tinawag ni Alma ang maraming tao upang makita kung ano ang ginawa ng Panginoon para sa kanyang anak at sa apat na anak na lalaki ni Mosias.

Alma blessing his son

Si Alma, kasama ang ilang pinuno ng Simbahan, ay nagayuno at nanalangin at hiniling sa Diyos na tulungan ang Nakababatang Alma na muling lumakas.

Alma the Younger speaking to his father

Pagkaraan ng dalawang araw at gabi, muling nakapagsalita at nakakilos ang Nakababatang Alma.

Alma the Younger talking to others

Sinabi niya sa mga tao na nagsisi na siya sa kanyang mga kasalanan at siya ay pinatawad ng Diyos.

Alma the Younger teaching

Itinuro niya na ang bawat isa ay dapat na maging mabuti upang makapasok sa kaharian ng Diyos. Sinabi rin niya ang matinding hirap na kanyang pinagdusahan dahil sa kanyang mga kasalanan.

Alma the Younger

Naging masaya ang Nakababatang Alma dahil siya ay nagsisi at pinatawad ng Diyos. Alam niyang mahal siya ng Diyos.

men teaching

Ang Nakababatang Alma at ang mga anak na lalaki ni Haring Mosias ay nagsimulang magturo ng katotohanan sa buong lupain, na sinasabi sa lahat kung ano ang kanilang nakita at narinig.

Alma the Younger teaching people

Sinikap nilang iwasto ang mali na kanilang nagawa. Ipinaliwanag nila sa mga tao ang mga banal na kasulatan at itinuro sa kanila ang tungkol kay Jesucristo.

Alma the Younger baptizing others

Binasbasan ng Diyos ang Nakababatang Alma at ang mga anak na lalaki ni Mosias sa kanilang pagtuturo ng ebanghelyo. Maraming tao ang nakinig sa kanila at naniwala.