Kabanata 44
Binasbasan ni Jesucristo ang mga Bata
Sinabi ni Jesucristo sa mga Nephita na dalhin sa kanya ang maliliit nilang anak. Umupo ang mga bata sa lupa malapit kay Jesus.
Sinabi ng Tagapagligtas sa mga tao na magsiluhod. Pagkatapos ay lumuhod siya at nanalangin sa Ama sa Langit.
Kagila-gilalas ang panalangin ng Tagapagligtas kung kaya’t hindi ito maaaring maisulat. Pinuspos nito ng kagalakan ang mga Nephita.
Pagkatapos ng panalangin, sinabi ni Jesus sa mga Nephita na mabibiyayaan sila dahil sa kanilang pananampalataya.
Nakadama siya ng napakalaking pag-ibig at kaligayahan kung kaya’t siya ay napaiyak.
Pagkatapos ay kinuha niya ang mga bata at binasbasan ang bawat isa. Nanalangin siya sa Ama sa Langit para sa kanila at muling umiyak.
Sinabi ni Jesus sa mga Nephita na tumingin sa kanilang mga anak.
Habang nakatingin ang mga tao, may mga anghel na bumaba mula sa langit at pinaligiran ang mga bata. Napalibutan ang mga bata at mga anghel ng apoy.