Kabanata 11 Si Enos Si Enos ay anak na lalaki ni Jacob. Iningatan niya ang mga lamina at sinulatan ang mga ito pagkamatay ng kanyang ama. Jacob 7:27 Isang araw, si Enos ay nangangaso sa gubat. Naisip niya ang mga turo ng kanyang ama at ninais na mapatawad sa kanyang mga kasalanan. Enos 1:3–4 Lumuhod si Enos at nanalangin sa Diyos. Nanalangin siya buong araw at nananalangin pa rin nang sumapit ang gabi. Enos 1:4 Sinabi ng Diyos kay Enos na dahil sa kanyang pananampalataya kay Jesucristo, ang kanyang mga kasalanan ay pinatawad. Enos 1:5, 8 Pagkatapos ay ninais ni Enos na basbasan ng Panginoon ang mga Nephita. Nanalangin siya para sa kanila, at sinabi ng Panginoon na pagpapalain niya sila kung susunod sila sa kanyang mga kautusan. Enos 1:9–10 Ninais din ni Enos na basbasan ng Panginoon ang mga Lamanita. Nanalangin siya nang may buong pananampalataya, at nangako ang Panginoon na gagawin niya ang hinihiling sa kanya ni Enos. Enos 1:11–12 Sa kabila ng paglaban ng mga Lamanita sa mga Nephita at tangkang pagsira ng mga tala nila, nanalangin pa rin si Enos na sila ay maging mabubuting tao. Enos 1:13–14 Nanalangin si Enos na ang mga tala na kanyang iniingatan ay maging ligtas. Nangako ang Panginoon na balang araw ay ibibigay niya sa mga Lamanita ang mga turo na nasa mga tala. Enos 1:16 Nangaral si Enos sa mga Nephita. Ninais niyang maniwala sila sa Diyos at tuparin ang kanyang mga kautusan. Enos 1:10, 19 Sinubok ng mga Nephita na ituro ang ebanghelyo sa mga Lamanita, ngunit ayaw nilang makinig. Galit ang mga Lamanita sa mga Nephita. Enos 1:20 Ginugol ni Enos ang buhay niya sa pagtuturo sa mga tao tungkol kay Jesus at sa ebanghelyo. Pinaglingkuran niya ang Diyos at minahal sa buong buhay niya. Enos 1:26–27