Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 37: Sina Nephi at Lehi sa Bilangguan


Kabanata 37

Sina Nephi at Lehi sa Bilangguan

Helaman and sons

Sina Nephi at Lehi ay mga anak na lalaki ni Helaman. Nais ni Helaman na maging mabubuti sila kagaya nina Nephi at Lehi na umalis sa Jerusalem.

Helaman teaching sons

Tinuruan ni Helaman ang kanyang mga anak na maniwala kay Jesucristo. Natutuhan nila na ang kapatawaran ay natatamo sa pamamagitan ng pananampalataya at pagsisisi.

people being baptized

Umalis sina Nephi at Lehi upang ituro ang salita ng Diyos sa mga Nephita at mga Lamanita. Libu-libong tao ang nabinyagan.

Nephi and Lehi bound

Nang pumunta sina Nephi at Lehi sa lupain ng Nephi, isang hukbo ng mga Lamanita ang nagtapon sa kanila sa bilangguan at sila ay hindi binigyan ng pagkain sa loob ng maraming araw.

Nephi and Lehi in fire

Pumunta ang mga Lamanita sa bilangguan upang patayin sina Nephi at Lehi ngunit hindi nila ito magawa dahil napapaligiran sila ng sa wari ay apoy na makasusunog sa kaninuman na magtatangkang humipo sa kanila.

Nephi and Lehi in fire

Hindi nasunog ng apoy sina Nephi at Lehi. Sinabi nila sa mga Lamanita na pinapangalagaan sila ng kapangyarihan ng Diyos.

prison walls shaking

Nagsimulang mayanig ang lupa at mga pader ng bilangguan. Isang madilim na ulap ang bumalot sa mga tao sa bilangguan, at natakot sila.

soldiers in darkness

Isang tinig mula sa ibabaw ng kadiliman ang nagsalita. Matahimik itong parang bulong, ngunit narinig ito ng lahat.

people in darkness

Sinabi ng tinig sa mga tao na magsisi at tumigil sa pagtatangka na patayin sina Nephi at Lehi.

soldiers on floor

Tatlong ulit na nagsalita ang tinig, at nagpatuloy sa pagyanig ang lupa at mga pader ng bilangguan. Hindi makatakbong palayo ang mga Lamanita dahil napakadilim at takot na takot sila.

Nephi’s and Lehi’s faces shining

Isang Nephita na naging miyembro ng Simbahan ang nakakita na ang mga mukha nina Nephi at Lehi ay kumikinang sa kadiliman.

Nephi and Lehi shining

Nakatingala sina Nephi at Lehi sa langit at nagsasalita. Sinabi ng lalaki sa mga Lamanita na tumingin. Nagtaka sila kung sino ang kinakausap nina Nephi at Lehi.

Aminadab talking to men

Ang lalaki, na nagngangalang Aminadab, ay nagsabi sa mga Lamanita na sina Nephi at Lehi ay nakikipag-usap sa mga anghel.

Aminadab talking

Tinanong ng mga Lamanita si Aminadab kung paano maaalis ang madilim na ulap. Sinabi niya sa kanila na magsisi at manalangin hanggang magkaroon sila ng pananampalataya kay Jesucristo.

Lamanites praying

Nanalangin ang mga Lamanita hanggang sa mawala ang madilim na ulap.

fire around men

Nang maalis ang kadiliman, nakakita ang mga tao ng haligi ng apoy sa palibot nila. Hindi sila nasunog ng apoy ni ang mga pader ng bilangguan.

Lamanites

Nakadama ng dakilang kagalakan ang mga Lamanita, at pinuspos ng Espiritu ng Diyos ang kanilang mga puso.

three Lamanites

Isang tinig ang bumulong, na nagsasabing bibigyan sila ng kaginhawahan dahil sa kanilang pananampalataya kay Jesucristo.

angels

Tumingala ang mga Lamanita upang makita kung saan nanggaling ang tinig. Nakakita sila ng mga anghel na bumababa mula sa langit.

Lamanites talking

Mga 300 katao ang nakakita at nakarinig sa kung ano ang nangyari sa bilangguan. Umalis sila at sinabi ito sa iba.

Lamanites putting away weapons

Karamihan sa mga Lamanita ay naniwala sa kanila at isinantabi ang kanilang mga sandata.

Lamanite and Nephite talking

Tumigil ang mga Lamanita sa pagkapoot sa mga Nephita at ibinalik ang lupain na kanilang sinakop. Naging higit na mabuti ang mga Lamanita kaysa sa mga Nephita.

Lamanites and Nephites walking

Maraming Lamanita ang sumama kina Nephi at Lehi at nagturo kapwa sa mga Nephita at mga Lamanita.