Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 36: Si Hagot


Kabanata 36

Si Hagot

Larawan
Nephites traveling

Mga 55 taon bago isilang si Jesucristo, libu-libong kalalakihan, kababaihan, at mga batang Nephita ang umalis sa Zarahemla at naglakbay patungo sa hilaga.

Larawan
Hagoth building large ship

Isa sa kanila, isang lalaking nagngangalang Hagot, ay gumawa ng isang malaking sasakyang-dagat at pinaglayag ito sa dagat kanluran.

Larawan
Nephites packing large ship

Maraming Nephita ang nagdala ng pagkain at mga panustos at naglayag sa kanyang sasakyang-dagat.

Larawan
boat on water

Gumawa pa si Hagot ng iba pang sasakyang-dagat na nagdala sa mga tao sa isang lupain sa hilaga. Bumalik ang unang sasakyang-dagat at kumuha pa ng higit na maraming tao.

Larawan
two ships on water

Isa pang sasakyang-dagat ang naglayag. Wala na sa mga sasakyang-dagat ang bumalik, at hindi kailanman nalaman ng mga Nephita ang nangyari sa mga tao.

Print