Kabanata 17 Tumakas si Alma at ang Kanyang mga Tao Isang araw, habang gumagawa sa kanilang mga bukirin ang mga tao ni Alma, isang hukbo ng mga Lamanita ang tumawid sa hangganan patungo sa kanilang lupain. Mosias 23:25 Natakot ang mga Nephita at tumakbo patungo sa kanilang lungsod upang maging ligtas. Sinabi ni Alma sa kanila na alalahanin ang Diyos at tutulungan niya sila. Nagsimulang manalangin ang mga Nephita. Mosias 23:26–28 Pinalambot ng Panginoon ang puso ng mga Lamanita, at hindi nila sinaktan ang mga Nephita. Naligaw ang mga Lamanita habang tinatangka nilang hanapin ang mga tao ni Haring Limhi. Mosias 23:29–30 Nangako ang mga Lamanita kay Alma na hindi nila gagambalain ang kanyang mga tao kung sasabihin niya sa kanila kung paano makababalik sa kanilang lupain. Ipinakita ni Alma sa kanila ang daan. Mosias 23:36 Ngunit hindi tinupad ng mga Lamanita ang kanilang pangako. Naglagay sila ng mga bantay sa paligid ng lupain, at si Alma at ang kanyang mga tao ay hindi na naging malaya. Mosias 23:37 Ginawa ng haring Lamanita si Amulon na pinuno ng mga tao ni Alma. Si Amulon ay dating Nephita at masamang saserdote ni Haring Noe. Mosias 23:39; Mosias 24:8–9 Pinagtrabaho nang mabigat ni Amulon ang mga tao ni Alma. Nagdasal sila upang humingi ng tulong, ngunit sinabi ni Amulon na ang sinumang mahuhuling nagdarasal ay papatayin. Nagpatuloy ang mga tao sa pagdarasal sa kanilang mga puso. Mosias 24:10–12 Dininig ng Diyos ang kanilang mga panalangin at pinalakas ang mga tao kaya’t tila gumaan ang kanilang mga gawain. Masaya at matiyaga ang mga tao. Mosias 24:14–15 Nasiyahan ang Diyos dahil matapat ang mga tao. Sinabi niya kay Alma na tutulungan niya silang makatakas mula sa mga Lamanita. Mosias 24:16–17 Sa gabi, tinipon ng mga tao ang kanilang mga pagkain at hayop. Kinaumagahan, pinanatiling tulog ng Diyos ang mga Lamanita habang nililisan ni Alma at ng kanyang mga tao ang lungsod. Mosias 24:18–20 Pagkatapos maglakbay ng 12 araw, dumating ang mga tao sa Zarahemla, kung saan sila ay tinanggap ni Haring Mosias at ng kanyang mga tao. Mosias 24:25