Kabanata 24 Nakilala ni Ammon ang Ama ni Haring Lamoni Ninais ni Haring Lamoni na makilala ni Ammon ang kanyang ama. Binalaan ng Panginoon na huwag sumama si Ammon dahil tatangkain ng ama ni Lamoni na patayin siya. Alma 20:1–2 Sinabi ng Panginoon kay Ammon na pumunta sa halip sa lupain ng Midoni, kung saan ang kanyang kapatid na si Aaron ay nakabilanggo. Sumama si Haring Lamoni kay Ammon. Alma 20:2–4 Habang naglalakbay sila, nakasalubong nila ang ama ni Haring Lamoni, na hari sa buong lupain. Tinanong niya si Lamoni kung saan siya papunta kasama ng isang sinungaling na Nephita. Alma 20:8, 10 Sinabi ni Haring Lamoni sa kanyang ama ang tungkol kay Ammon at sa kanyang kapatid na lalaki na nasa bilangguan. Nagalit, ipinag-utos ng ama ni Lamoni kay Lamoni na patayin si Ammon at huwag pumunta sa Midoni. Alma 20:11–14 Tumanggi si Lamoni na patayin si Ammon at nagsabi na siya at si Ammon ay paroroon upang palayain si Aaron. Lalong nagalit ang ama ni Lamoni at hinugot ang kanyang espada upang patayin si Lamoni. Alma 20:15–16 Humakbang pasulong si Ammon upang ipagsanggalang si Lamoni. Tinangka ng ama ni Lamoni na patayin si Ammon, ngunit ipinagtanggol niya ang sarili at nasugatan ang bisig ng ama ni Lamoni. Alma 20:17, 20 Nang makita ng ama ni Lamoni na maaari siyang patayin ni Ammon, inialok niya kay Ammon ang kalahati ng kanyang kaharian kung hindi siya papatayin. Alma 20:21, 23 Sinabi ni Ammon na nais niyang mapalaya mula sa bilangguan si Aaron at ang kanyang mga kasama at nais na hindi mawala kay Lamoni ang kanyang kaharian. Alma 20:22, 24 Napagtanto ng ama ni Lamoni na hindi nais ni Ammon na saktan siya. Namangha siya kung gaano kamahal ni Ammon ang kanyang anak. Inanyayahan niya si Ammon na turuan siya ng ebanghelyo. Alma 20:26–27 Pumunta sina Ammon at Haring Lamoni sa Midoni. Kinausap ni Lamoni ang hari doon, at pinalaya mula sa bilangguan si Aaron at ang kanyang mga kasama. Alma 20:28 Nalungkot si Ammon nang kanyang makita kung gaano kasama ang ginawang pagtrato sa kanila. Ngunit lubha man silang naghirap naging matiyaga pa rin sila. Alma 20:29