Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 10: Si Jacob at si Serem


Kabanata 10

Si Jacob at si Serem

Nephi giving plates to Jacob

Bago namatay si Nephi, ibinigay niya ang mga lami nang pinagsulatan niya sa kanyang nakababatang kapatid na si Jacob. Si Jacob ay mabuting tao.

Jacob writing on plates

Sinabi ni Nephi kay Jacob na isulat ang mga bagay na makatutulong sa mga tao na maniwala kay Jesucristo.

Nephi blesing Jacob

Binigyan ni Nephi si Jacob ng kapangyarihan na maging saserdote sa Simbahan at magturo sa mga Nephita ng salita ng Diyos.

Jacob teaching people

Pagkamatay ni Nephi, maraming Nephita ang naging masama. Tinuruan ni Jacob ang mga tao at pinagsabihan na magsisi sa mga masasamang bagay na kanilang ginagawa.

Sherem teaching

Isang lalaking masama na nagngangalang Serem ang pumunta sa mga Nephita at nagturo sa kanila na huwag maniwala kay Jesucristo.

Sherem

Sinabi ni Serem sa mga tao na hindi magkakaroon ng Cristo. Maraming tao ang naniwala kay Serem.

Sherem arguing with Jacob

Tinuruan ni Jacob ang mga tao na maniwala kay Cristo. Ninais ni Serem na makipagtalo kay Jacob at papaniwalain siya na hindi magkakaroon ng Cristo.

Jacob and Sherem

Ang pananampalataya ni Jacob kay Jesucristo ay hindi matinag. Nakakita siya ng mga anghel at narinig ang tinig ng Panginoon. Alam niyang darating si Jesus.

Jacob testifying to Sherem

Ang Espiritu Santo ay na kay Jacob habang nagbibigay siya kay Serem ng kanyang patotoo tungkol kay Jesucristo.

Sherem asking for sign

Humiling si Serem ng isang palatandaan. Nais niyang patunayan ni Jacob na may Diyos. Nais niyang makakita ng isang himala.

Jacob

Hindi humiling si Jacob ng isang palatandaan sa Diyos. Sinabi niya na alam ni Serem na ang itinuro ni Jacob ay totoo.

Jacob and Sherem

Sinabi ni Jacob na kung ibubuwal ng Diyos si Serem sa lupa, ito ang magiging isang palatandaan ng kapangyarihan ng Diyos.

Sherem falling down

Kaagad na nabuwal si Serem. Hindi siya nakatayo sa loob ng maraming araw.

Sherem

Nanghina si Serem at alam niyang siya ay mamamatay. Tinawag niyang magtipun-tipon ang mga tao.

Sherem talking to people

Sinabi niya sa kanila na nagsinungaling siya. Sinabi niya na dapat silang maniwala kay Jesucristo.

Sherem

Pagkatapos magsalita ni Serem sa mga tao, namatay siya. Nadama ng mga tao ang kapangyarihan ng Diyos, at sila ay bumagsak sa lupa.

Jacob with others

Nagsimula ang mga tao na magsisi at magbasa ng banal na kasulatan. Nabuhay sila sa kapayapaan at pag-ibig. Maligaya si Jacob at alam niyang sinagot ng Diyos ang kanyang mga panalangin.