Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 52: Ang Pagkalipol ng mga Jaredita


Kabanata 52

Ang Pagkalipol ng mga Jaredita

Jaredite king

Dumami sa bilang at yumaman ang mga Jaredita. Pumili sila ng hari upang maging pinuno nila.

wicked Jaredites

Maraming taon ang lumipas, at naging masama ang mga Jaredita. Nagpadala ng mga propeta ang Panginoon upang pagsabihan sila na magsisi o malilipol sila.

Jaredites running

Hindi nakinig ang mga tao sa mga propeta. Tinangka nilang patayin sila.

battle

Nagkaroon ng mga digmaan at taggutom sa lupain. Maraming Jaredita ang namatay.

Ether preaching

Nagpadala ang Panginoon ng isa pang propeta, na nagngangalang Eter. Nangaral siya mula sa umaga hanggang gabi, nagsasabi sa mga Jaredita na maniwala sa Diyos at magsisi.

Ether preaching to people

Sinabi ni Eter sa mga Jaredita na kapag naniwala sila sa Diyos, mabubuhay sila pagdating ng araw kasama ng Ama sa Langit sa isang higit na mainam na daigdig.

Jaredites forcing Ether to leave

Maraming mahahalagang bagay ang sinabi ni Eter sa mga Jaredita, ngunit hindi sila naniwala sa kanya. Pinaalis nila siya sa lungsod.

Ether hiding in cave

Nagtatago si Eter sa isang yungib sa araw upang hindi siya mapatay. Lumalabas siya sa gabi at nakikita kung ano ang nangyayari sa mga Jaredita.

Ether writing on plates

Natapos niyang isulat ang kasaysayan ng mga Jaredita habang siya ay nagtatago.

Ether talking with Coriantumr

Pinapunta ng Panginoon si Eter kay Coriantumer, na isang masamang hari ng mga Jaredita. Sinabi ni Eter sa kanya na magsisi o mabubuhay siya na makikitang mamamatay ang kanyang mga tao.

guards chasing Ether

Hindi nagsisi si Coriantumer at ang kanyang mga tao. Tinangka niyang ipapatay si Eter, ngunit tumakbo si Eter at nagtago sa yungib.

man sleeping with sword

Naging napakasama ng mga tao kung kaya’t isinumpa ng Panginoon ang lupain. Hindi nila mailapag ang kanilang mga kagamitan o mga espada dahil mawawala ang mga ito sa kinabukasan.

battle

Lumaban ang lahat ng Jaredita sa mga digmaan, kabilang na ang kababaihan at mga bata. Pinamunuan ni Coriantumer ang isang hukbo at ang isa pa ay pinamunuan naman ng isang tao na nagngangalang Shiz.

Coriantumr and Shiz fighting

Sina Coriantumer at Shiz ay kapwa masamang tao. Iniwan ng Espiritu Santo ang mga Jaredita dahil sa kanilang kasamaan. Nagkaroon si Satanas ng buong kapangyarihan sa kanila.

Coriantumr

Nakipaglaban ang mga Jaredita hanggang sa sina Coriantumer at Shiz na lamang ang natira. Nang mawalan ng malay-tao si Shiz dahil sa pagkawala ng maraming dugo, pinugutan siya ng ulo ni Coriantumer.

Coriantumr and people of Zarahemla

Nagkatotoo ang propesiya ni Eter: Si Coriantumer ang pinakahuling Jaredita na nabuhay. Natagpuan siya ng mga tao ng Zarahemla.

Ether writing on plates

Tinapos ni Eter ang pagsusulat ng kasaysayan ng mga Jaredita. Nilipol sila dahil sa kanilang kasamaan. Kinalaunan, ang talaan ng mga Jaredita ay natagpuan ng mga Nephita.