Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 19: Naging Misyonero ang mga Anak na Lalaki ni Mosias


Kabanata 19

Naging Misyonero ang mga Anak na Lalaki ni Mosias

four sons of Mosiah

Si Mosias ay may apat na anak na lalaki: sina Ammon, Aaron, Omner, at Himni. Kasama nila ang Nakababatang Alma nang magpakita sa kanya ang isang anghel.

sons of Mosiah

Nagsisi sa kanilang mga kasalanan ang mga anak ni Mosias at nalungkot dahil sa mga kaguluhan na kanilang ginawa. Alam nilang totoo ang ebanghelyo, at nais nilang ituro ito sa iba.

sons of Mosiah speaking

Ang lahat ng anak ni Mosias ay tumanggi na maging hari. Sa halip, nais nilang maging misyonero sa mga Lamanita at ibahagi ang mga biyaya ng ebanghelyo sa kanila.

King Mosiah praying

Nagdasal si Haring Mosias upang malaman kung papayagan niyang umalis ang kanyang mga anak na lalaki. Sinabi ng Diyos sa kanya na hayaan silang umalis, at sila ay pangangalagaan. Maraming Lamanita ang maniniwala sa kanilang mensahe.

four sons praying

Umalis ang mga anak na lalaki ni Mosias upang magturo sa mga Lamanita. Nag-ayuno sila at nanalangin upang maging mabubuti silang misyonero.