Kabanata 7 Paggawa ng Sasakyang-dagat Pagkatapos mamalagi ng mag-anak ni Lehi sa tabingdagat sa loob ng maraming araw, nagsalita ang Panginoon kay Nephi. Sinabi niya sa kanya na gumawa ng sasakyang-dagat upang magdala sa kanyang mag-anak patungo sa lupang pangako. 1 Nephi 17:7–8 Hindi marunong gumawa si Nephi ng sasakyang-dagat, ngunit sinabi ng Panginoon na ipakikita sa kanya kung paano ito gagawin. Sinabi niya kay Nephi kung saan makakukuha ng metal upang gawing mga kagamitang kakailanganin niya. 1 Nephi 17:9–10 Pinagtawanan nina Laman at Lemuel si Nephi dahil sa pagnanais niya na gumawa ng sasakyang-dagat. Hindi sila naniwala na ipinakita ng Panginoon kay Nephi kung paano gawin ito. Tumanggi silang tumulong. 1 Nephi 17:17–18 Sinabi ni Nephi kina Laman at Lemuel na magsisi at huwag maging mapaghimagsik. Ipinaalala niya sa kanila na nakakita sila ng anghel. Sinabi rin niya sa kanila na ang Diyos ay may kapangyarihang gawin ang lahat ng bagay. 1 Nephi 17:45–46 Sina Laman at Lemuel ay nagalit kay Nephi at ninais na itapon siya sa dagat. 1 Nephi 17:48 Habang palapit sila kay Nephi, iniutos niya sa kanila na huwag siyang hawakan dahil puspos siya ng kapangyarihan ng Diyos. Sina Laman at Lemuel ay natakot sa loob ng maraming araw. 1 Nephi 17:48, 52 Pagkaraan ay sinabi ng Panginoon kay Nephi na hawakan sina Laman at Lemuel. Nang gawin ito ni Nephi, pinanginig sila ng Panginoon. Nabatid nina Laman at Lemuel na ang kapangyarihan ng Diyos ay na kay Nephi. 1 Nephi 17:53–55 Sinabi ni Nephi kina Laman at Lemuel na sundin ang kanilang mga magulang at sundin ang Diyos. Sinabi ni Nephi na kung gagawin nila ito, mabibiyayaan sila. 1 Nephi 17:55 Nagsisi sina Laman at Lemuel at tinulungan si Nephi na gawin ang sasakyang-dagat. 1 Nephi 18:1 Pumunta si Nephi sa bundok nang maraming ulit upang humingi ng tulong. Tinuruan siya ng Panginoon kung paano gawin ang sasakyang-dagat. 1 Nephi 18:3 Nang matapos ni Nephi at ng kanyang mga kapatid na lalaki ang sasakyang-dagat, alam nilang ito ay isang matibay na sasakyang-dagat. Nagpasalamat sila sa Diyos sa pagtulong sa kanila. 1 Nephi 18:4