Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 5: Paglalakbay sa Ilang


Kabanata 5

Paglalakbay sa Ilang

brothers walking in desert

Nais ng Panginoon na magkaroon ang mga anak na lalaki ni Lehi ng mga asawa na siyang magtuturo ng ebanghelyo sa kanilang mga anak. Sinabi niya kay Lehi na kanyang pabalikin ang kanyang mga anak sa Jerusalem upang kunin ang mag-anak ni Ismael.

Nephi talking to Ishmael

Bumalik si Nephi at ang kanyang mga kapatid sa Jerusalem. Sinabi nila kay Ismael ang nais ng Panginoon na ipagawa sa kanya. Naniwala si Ismael sa kanila, at siya at ang kanyang mag-anak ay sumama sa mga anak na lalaki ni Lehi.

Laman and Lemuel angry at Nephi

Habang naglalakbay sila sa ilang, sina Laman at Lemuel at ang ilan sa mag-anak ni Ismael ay nagalit. Nais nilang bumalik sa Jerusalem.

Nephi talking to Laman and Lemuel

Ipinaalala ni Nephi kina Laman at Lemuel ang lahat ng bagay na ginawa ng Panginoon para sa kanila. Sinabihan niya sila na magkaroon ng higit na pananampalataya. Nagalit sila kay Nephi ngunit hindi sila bumalik sa Jerusalem.

couple getting married

Nang magtagal, napangasawa ni Nephi, at ng kanyang mga kapatid na lalaki, at ni Zoram ang mga anak na babae ni Ismael.

Lehi holding Liahona

Sinabi ng Panginoon kay Lehi na magpatuloy sa kanyang paglalakbay. Kinabukasan, may nakita si Lehi na isang bolang tanso na tinatawag na Liahona sa labas ng kanyang tolda. Itinuturo nito ang daan na tatahakin sa ilang.

family traveling

Ang mag-anak ni Lehi ay nagtipon ng pagkain at mga binhi at iniligpit ang kanilang mga tolda. Naglakbay sila sa ilang sa loob ng maraming araw, habang sinusundan ang mga daang itinuturo ng Liahona.

hunting

Si Nephi at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay gumamit ng mga busog at mga palaso upang mangaso ng pagkain habang sila ay naglalakbay.

broken bow

Ang busog ni Nephi na yari sa bakal ay nabali, at naging marupok ang mga busog ng kanyang mga kapatid. Hindi makapatay ng anumang hayop ang magkakapatid, kung kaya’t nagutom ang lahat. Nagalit sina Laman at Lemuel.

wooden bow

Gumawa si Nephi ng busog na kahoy at tinanong ang kanyang ama kung saan siya mangangaso. Tumanggap si Lehi ng mga tagubilin sa Liahona. Sinunod ni Nephi ang mga tagubilin at nakakita siya ng ilang hayop.

Lehi holding Liahona

Ang Liahona ay nagagamit lamang kung ang mag-anak ni Lehi ay matapat, masigasig, at masunurin.

Nephi returned with food

Bumalik si Nephi na dala ang mga hayop na kanyang natagpuan. Natuwa ang lahat sa pagkakaroon nila ng pagkain. Nagsisi sila na sila ay nagalit, at nagpasalamat sa Diyos dahil biniyayaan sila.

Ishmael’s daughters

Ang paglalakbay ay hindi madali. Madalas na pagod, gutom, at uhaw ang mag-anak ni Lehi. Namatay si Ismael at nalungkot ang kanyang mga anak na babae. Dumaing sila laban kay Lehi.

Laman and Lemuel

Dumaing din sina Laman at Lemuel. Hindi sila naniwalang nagsalita ang Panginoon kay Nephi. Nais nilang patayin sina Lehi at Nephi at bumalik sa Jerusalem.

Laman and Lemuel

Ang tinig ng Panginoon ay nagsalita kina Laman at Lemuel. Sinabi nito sa kanila na huwag magalit kina Lehi at Nephi. Nagsisi sina Laman at Lemuel.

Lehi’s family

Nagpatuloy ang mag-anak ni Lehi sa kanilang mahirap na paglalakbay. Tinulungan at pinalakas sila ng Diyos. Nagkaroon sila ng mga anak. Sina Lehi at Saria ay nagkaroon pa ng dalawang anak na lalaki, na pinangalanang Jacob at Jose.

family traveling

Pagkatapos maglakbay sa ilang sa loob ng walong taon, dumating sa tabing-dagat ang mag-anak ni Lehi. Doon ay nakatagpo sila ng bungang kahoy at pulot. Tinawag nila ang lugar na Masagana.