Kabanata 13 Si Zenif Si Zenif at ang isang grupo ng mga Nephita ay nilisan ang kanilang mga tahanan sa Zarahemla at naglakbay patungo sa lupain ng Nephi, kung saan ang ibang Nephita ay minsang nanirahan. Omni 1:27; Mosias 9:1 Natagpuan nila ang mga Lamanita na naninirahan doon. Si Zenif at apat sa kanyang mga tao ay pumunta sa lungsod upang kausapin ang hari. Nagtanong sila kay Haring Laman kung maaari silang manirahan sa kanyang lupain. Mosias 9:1, 5 Sinabi ni Haring Laman na maaari nilang kunin ang dalawa sa kanilang lungsod. Ninais ng hari na manirahan sila sa kanyang lupain upang gawin silang mga alipin niya. Mosias 9:6, 10, 12 Ang mga tao ni Zenif ay nagtayo ng mga bahay at inayos ang mga pader palibot sa kanilang mga lungsod. Nagtanim sila ng maraming uri ng butil at punungkahoy na nagbubunga. Nagkaroon din sila ng mga kawan ng hayop. Mosias 9:8–9, 12 Sinabi ni Haring Laman sa kanyang mga tao na ang mga Nephita ay nagiging labis na makapangyarihan. Di nagtagal, maraming Lamanita ang lumusob sa mga Nephita at ninakaw ang kanilang mga hayop at pananim. Mosias 9:11, 13–14 Tumakbo ang mga Nephita sa lungsod ng Nephi. Doon ay binigyan ni Zenif ang mga tao ng mga busog at palaso, espada, pambambo, at tirador. Lumaban sila sa mga Lamanita. Mosias 9:15–16 Bago sila lumaban, nanalangin ang mga Nephita, humihingi sa Diyos ng tulong. Biniyayaan ng Diyos ang mga Nephita ng karagdagang lakas, at tinalo nila ang mga Lamanita. Mosias 9:17–18 Pagkatapos ng digmaan, naglagay si Zenif ng mga bantay palibot sa mga lungsod ng mga Nephita. Nais niyang pangalagaan ang mga tao at ang kanilang mga hayop laban sa mga Lamanita. Mosias 10:2 Nabuhay nang payapa ang mga Nephita sa loob ng maraming taon. Ang kalalakihan ay gumawa sa mga bukirin, at ang kababaihan ay nagkidkid ng mga sinulid at gumawa ng mga damit. Mosias 10:4–5 Namatay si Haring Laman at ang kanyang anak ang naging hari. Ipinadala ng bagong hari ang kanyang hukbo upang labanan ang mga Nephita. Mosias 10:6, 8–9 Muling tumanggap ang mga Nephita ng lakas mula sa Panginoon. Napatay nila ang maraming Lamanita, at ang natira ay nagsitakas. Mosias 10:10, 19–20