Kabanata 54 Ang Pangako ng Aklat ni Mormon Bago ibinaon ni Moroni ang mga lamina sa huling pagkakataon, sumulat siya ng isang pangako sa mga Lamanita at sa lahat ng iba pang babasa ng mga talaang ito. Moroni 10:1–2 Sinabi niya sa mga tao na basahin ang mga talaan, pagisipan ang mga ito nang mabuti, at pagkatapos ay tanungin ang Ama sa Langit kung totoo ang mga ito. Moroni 10:3–4 Nangako si Moroni na kung gagawin ito ng mga tao nang may tapat na puso, nang may pananampalataya kay Cristo, tutulungan sila ng Espiritu Santo na mabatid na ang mga ito ay totoo. Moroni 10:4–5 Isinulat ni Moroni na kung magsisisi ang mga tao, susunod kay Jesucristo at mamahalin ang Ama sa Langit, maaari silang maging ganap. Moroni 10:32 Nang matapos si Moroni sa pagsusulat sa mga laminang ginto, itinago niya ang mga ito sa isang kahong bato sa Burol ng Cumorah at tinakpan ang kahon ng isang malaking bato. Ang gawain ni Moroni sa lupa ay natapos na. Mormon 8:4; Joseph Smith—Kasaysayan 1:52