Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 48: Kapayapaan sa Amerika


Kabanata 48

Kapayapaan sa Amerika

disciples teaching

Pagkatapos na bumalik ni Jesucristo sa langit, itinayo ng kanyang mga disipulo ang Simbahan sa buong lupain.

man being baptized

Ang mga tao na nagsisi sa kanilang mga kasalanan ay nabinyagan at tumanggap ng Espiritu Santo.

people happy

Hindi nagtagal, nagbalik-loob ang lahat ng Nephita at Lamanita. Hindi sila nagtatalu-talo at ang lahat ay matapat.

people sitting

Walang sinuman ang mayaman o mahirap. Nagbibigayan ang mga tao ng lahat ng bagay, at mayroon sila ng lahat ng kailangan nila.

man being blessed

Gumawa ng maraming himala ang mga disipulo sa pangalan ni Jesucristo. Pinagaling nila ang mga maysakit at muling binuhay ang mga patay.

people building

Nagtayo ng mga bagong lungsod ang mga tao sa mga lugar kung saan nawasak ang iba.

men talking

Sinunod nila ang mga kautusan ng Diyos. Nag-ayuno sila at nanalangin at sama-samang nagpulong nang madalas upang marinig ang mga salita ng Diyos.

boys playing

Maligayang-maligaya ang mga tao.

men talking

Walang mga tulisan, walang mga sinungaling, walang mga mamamatay-tao. Hindi na nahati ang mga tao sa mga Nephita at mga Lamanita ngunit naging isa, mga anak ni Cristo.

father and son

Biniyayaan ng Panginoon ang mga tao sa lahat ng ginagawa nila.

people working in field

Nabuhay sila sa kapayapaan sa loob ng 200 taon. Naging napakayaman ng mga tao.