Kabanata 53 Si Moroni at ang Kanyang mga Turo Pagkamatay ni Mormon, nag-iisa na si Moroni. Tinapos niya ang mga talaan na ibinigay sa kanya ng kanyang ama. Mormon 8:1, 3 Alam ni Moroni na mahuhukay ang mga laminang ginto pagdating ng araw. Mormon 8:16 Ang mga salita sa mga laminang ginto ay nagkukuwento tungkol kay Jesucristo. Nagpapatotoo ang mga ito tungkol sa kanya at nagtuturo sa mga tao kung paano mabuhay nang tama. Mormon 9:11–12, 27 Pinatay ng masasamang Lamanita ang lahat ng Nephita na hindi nagtatatwa kay Jesucristo. Moroni 1:2 Hindi kailanman itatatwa ni Moroni si Jesucristo. Kung saan-saan siya pumunta, sa pagtatago sa mga Lamanita. Moroni 1:3 Marami pang isinulat si Moroni sa mga laminang ginto, lalo na sa mga Lamanita sa mga huling araw. Moroni 1:4 Maraming mahahalagang bagay ang isinulat niya, kabilang ang mga salita ng panalangin para sa sakramento. Moroni 4; Moroni 5 Isinulat ni Moroni na ang maaari lamang mabinyagan ay ang mga tao na nakahandang magsisi sa kanilang mga kasalanan at maglingkod kay Jesucristo. Moroni 6:1–3 Nais ni Moroni na maniwala ang bawat isa kay Jesucristo at makilala siya. Sinabi niya na ang lahat ng bagay na mabuti ay nagmumula kay Cristo. Moroni 10:18, 30 Isinulat ni Moroni na kung mamahalin ng mga tao ang Diyos at susundin siya, maaari silang maging ganap. Moroni 10:32 Alam ni Moroni na pagkamatay niya, mabubuhay siyang mag-uli at mamumuhay kasama ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Moroni 10:34