Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 3: Nilisan ni Lehi ang Jerusalem


Kabanata 3

Nilisan ni Lehi ang Jerusalem

Lehi’s dream of journey

Nasiyahan ang Panginoon kay Lehi at isang gabi ay kinausap siya sa isang panaginip. Sinabi niya kay Lehi na dalhin ang kanyang mag-anak at lisanin ang Jerusalem. Sinunod ni Lehi ang Panginoon.

family in wilderness

Ang mag-anak ni Lehi ay naghanda ng mga pagkain at tolda. Iniwan nila ang kanilang bahay at ang kanilang mga ginto at pilak at naglakbay patungo sa ilang.

Lehi, Sariah, and four sons

Si Lehi at ang kanyang asawang si Saria ay may apat na anak na lalaki. Ang kanilang mga pangalan ay Laman, Lemuel, Sam, at Nephi.

tents and family

Pagkatapos ng paglalakbay sa loob ng tatlong araw, ang mag-anak ni Lehi ay nagtayo ng tolda sa isang lambak malapit sa isang ilog.

Lehi and altar

Nagtayo si Lehi ng isang dambanang bato at nag-alay ng hain sa Diyos. Nagpasalamat siya sa Diyos sa pagkaligtas ng kanyang mag-anak mula sa pagkawasak.

Lehi, Laman, and Lemuel

Pinangalanan ni Lehi ang ilog na Laman at ang lambak na Lemuel. Nais ni Lehi na maging katulad ang kanyang mga anak ng ilog at lambak, na patuloy na dumadaloy patungo sa Diyos at matatag na sumusunod sa mga kautusan.

Laman and Lemuel

Inisip nina Laman at Lemuel na hangal ang kanilang ama sa paglisan sa Jerusalem at sa pag-iwan ng kanilang mga kayamanan. Hindi sila naniniwalang ang Jerusalem ay mawawasak.

Nephi praying

Nais na maunawaan ni Nephi ang mga bagay na nakita ni Lehi. Nagdasal siya upang malaman kung tama ang ginawang paglisan ng kanyang ama sa Jerusalem.

Nephi praying

Dinalaw ni Jesucristo si Nephi at sinabi sa kanya na totoo ang mga sinabi ni Lehi. Naniwala si Nephi at hindi naghimagsik katulad ng ginawa nina Laman at Lemuel.

Nephi talking to Sam

Sinabi ni Nephi sa kanyang mga kapatid ang sinabi ni Jesus sa kanya. Si Sam ay naniwala kay Nephi, ngunit sina Laman at Lemuel ay hindi naniwala.

Nephi talking to brothers

Nangako ang Panginoon kay Nephi na mabibiyayaan siya dahil sa kanyang pananampalataya. Siya ay magiging pinuno ng kanyang mga kapatid.