Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Pambungad


Pambungad

Sa Mambabasa

Ang mga kuwentong ito sa Aklat ni Mormon ay sadyang isinulat para sa inyo. Ang mga kuwentong ito ay kinuha mula sa isang sagradong aklat na nagmula sa Ama sa Langit. Habang binabasa ninyo ang mga kuwentong ito, tandaang ang mga ito ay tungkol sa mga tunay na taong tumira sa Amerika matagal nang panahon ang nakalilipas. Matapos ninyong mabasa ang mga kuwento sa aklat na ito, nanaisin din ninyong mabasa ang mga ito sa Aklat ni Mormon. Sa ibaba ng bawat larawan, makikita ninyo kung saan matatagpuan ang kuwentong ito sa Aklat ni Mormon. Magpatulong sa inyong ama, ina, guro, o kaibigan. Kung hindi ninyo alam ang kahulugan ng isang salita, tingnan ito sa bahaging “Mga Salitang Dapat Malaman” sa likod ng aklat na ito. Ang mga kaalaman tungkol sa mga tao at mga lugar sa Aklat ni Mormon ay kabilang din sa likod ng aklat.

Sa Mga Magulang at Guro

Ang aklat na ito ay makatutulong sa inyong ituro ang mga banal na kasulatan. Ibahagi ang inyong patotoo sa Aklat ni Mormon, at hikayatin ang mga tinuturuan ninyo na maghangad ng sarili nilang mga patotoo. Ang kanilang pagkakaunawa ay madaragdagan habang binabasa ninyo sa kanila ang buong teksto ng kinahihiligan nilang mga kuwento mula sa Aklat ni Mormon.