Kabanata 49 Si Mormon at ang Kanyang mga Turo Maraming taon ang lumipas pagkatapos ng pagdalaw ni Jesucristo sa mga Nephita, isang maliit na pangkat ng mga tao ang umalis sa Simbahan at tinawag ang kanilang sarili na mga Lamanita. 4 Nephi 1:20 Nang magtagal, naging masama ang halos lahat ng tao, kapwa ang mga Nephita at mga Lamanita. 4 Nephi 1:45 Isang mabuting lalaki, si Amaron, ang may hawak sa mga banal na talaan. Sinabi sa kanya ng Espiritu Santo na itago ang mga ito upang maging ligtas. 4 Nephi 1:48–49 Sinabi ni Amaron kay Mormon, isang 10 taong gulang na batang lalaki, kung saan nakatago ang mga talaan. Alam ni Amaron na mapagkakatiwalaan niya si Mormon. Mormon 1:2–3 Kapag siya ay 24 na taong gulang na, kukunin na ni Mormon ang mga lamina ni Nephi at isusulat dito ang tungkol sa kanyang mga tao. Mormon 1:3–4 Noong 11 taong gulang na si Mormon, isang digmaan ang nagsimula sa pagitan ng mga Nephita at Lamanita. Naging matagumpay ang mga Nephita at muling nagkaroon ng kapayapaan. Mormon 1:6, 8–12 Ngunit napakasama ng mga Nephita kung kaya’t kinuha ng Panginoon ang tatlong disipulo, na nagpatigil sa mga himala at pagpapagaling. Hindi na ginabayan ng Espiritu Santo ang mga tao. Mormon 1:13–14 Noong si Mormon ay 15 taong gulang, dinalaw siya ni Jesucristo. Higit pang natuto si Mormon tungkol sa Tagapagligtas at sa kanyang kabutihan. Mormon 1:15 Nais ni Mormon na mangaral sa mga tao, ngunit sinabi sa kanya ni Jesus na huwag gagawin ito dahil napakasama ng mga tao. Ang kanilang mga puso ay naghihimagsik laban sa Diyos. Mormon 1:16–17 Hindi nagtagal at isa pang digmaan ang nagsimula. Si Mormon ay malaki at malakas, at pinili siya ng mga Nephita na pamunuan ang kanilang hukbo. Mormon 2:1 Nakipaglaban ang mga Nephita sa mga Lamanita sa loob ng maraming taon. Sinikap ni Mormon na hikayatin ang kanyang mga tao na ipaglaban ang kanilang mga mag-anak at tahanan. Mormon 2:23 Naging napakasama ng mga Nephita, gayunman, kung kaya’t ayaw silang tulungan ng Panginoon. Mormon 2:26 Sinabi ni Mormon sa mga Nephita na maliligtas lamang sila kung sila ay magsisisi at mabibinyagan. Ngunit tumanggi ang mga tao. Mormon 3:2–3 Ipinagyabang nila ang kanilang sariling lakas, sinasabing papatayin nila ang lahat ng Lamanita. Dahil sa kasamaan ng mga Nephita, tumanggi si Mormon na pamunuan pa sila. Mormon 3:9–11 Nagsimulang madaig ng mga Lamanita ang mga Nephita sa bawat labanan. Ipinasiya ni Mormon na muling pamunuan ang mga hukbo ng Nephita. Mormon 4:18; Mormon 5:1 Alam niyang hindi mananalo sa digmaan ang masasamang Nephita. Hindi sila nagsisi o nanalangin para sa tulong na kanilang kailangan. Mormon 5:2 Kinuha ni Mormon ang lahat ng talaan mula sa burol kung saan ang mga ito ay itinago ni Amaron at sumulat sa mga tao na makababasa sa mga tala pagdating ng araw. Mormon 4:23; Mormon 5:9, 12 Nais niya na bawat isa, kabilang ang mga Judio, ay makilala si Jesucristo, magsisi at mabinyagan, at ipamuhay ang ebanghelyo at mabiyayaan. Mormon 5:14; Mormon 7:8, 10 Binigyang-inspirasyon ng Espiritu si Mormon na pagsamahin ang maliliit na lamina ni Nephi, na naglalaman ng mga propesiya ng pagdating ni Cristo, sa mga lamina ni Mormon. Mga Salita ni Mormon 1:3–7 Pinamunuan ni Mormon ang mga Nephita sa lupain ng Cumorah, kung saan sila naghanda na muling makipaglaban sa mga Lamanita. Mormon 6:4 Tumatanda na si Mormon. Alam niya na ito na ang kanyang huling pakikipaglaban. Hindi niya nais na matagpuan ng mga Lamanita ang banal na mga talaan at sirain ang mga ito. Mormon 6:6 Kung kaya’t ibinigay niya ang mga lamina ni Mormon sa kanyang anak na lalaki, si Moroni, at itinago ang iba pang mga lamina sa Burol ng Cumorah. Mormon 6:6 Nilusob at napatay ng mga Lamanita ang lahat, maliban sa 24 na Nephita. Nasugatan si Mormon. Mormon 6:8–11 Nalungkot si Mormon na napakaraming Nephita ang namatay, ngunit alam niyang namatay sila dahil tinanggihan nila si Jesus. Mormon 6:16–18 Sinikap ni Mormon na ituro ang katotohanan sa mga Nephita. Sinabi niya kung gaano kahalaga na magkaroon sila ng pananampalataya kay Jesucristo. Moroni 7:1, 33, 38 Sinikap niya na ituro sa kanila na magkaroon ng pag-asa sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo at magkaroon ng pag-ibig sa kapwa-tao, na siyang dalisay na pag-ibig ni Cristo. Moroni 7:40–41, 47 At sumulat si Mormon ng mga liham sa kanyang anak na si Moroni, na nagturo din ng ebanghelyo sa mga Nephita. Moroni 8:1–2 Isinulat ni Mormon ang tungkol sa kakila-kilabot na kasamaan ng mga Nephita. Sinabi niya kay Moroni na manatiling matapat kay Jesucristo. Moroni 9:1, 20, 25 Napatay ng mga Lamanita si Mormon at ang lahat ng Nephita maliban kay Moroni, na tumapos sa pagsusulat ng mga tala. Mormon 8:2–3