Kabanata 46 Nagturo si Jesucristo sa mga Nephita at Nagdasal Kasama Nila Sinabi sa kanilang mga kaibigan ng mga Nephita na nakakita kay Jesucristo na siya ay babalik kinabukasan. Maraming tao ang nagsumikap na makapunta sa kung saan paroroon si Jesus. 3 Nephi 19:2–3 Kinaumagahan, tinuruan ni Nephi at ng iba pang disipulo ang pangkat na nagtipon. Pagkatapos ay nanalangin ang mga disipulo na matanggap nila ang Espiritu Santo. 3 Nephi 19:6–9 Lumusong si Nephi sa tubig at bininyagan. Pagkatapos ay bininyagan niya ang iba pang mga disipulo. 3 Nephi 19:11–12 Pagkatapos nilang mabinyagan, tinanggap ng mga disipulo ang Espiritu Santo. Tila may apoy na pumaligid sa kanila, at may mga anghel na bumaba mula sa langit at naglingkod sa kanila. 3 Nephi 19:13–14 Habang kapiling ng mga anghel ang mga disipulo, dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila. 3 Nephi 19:15 Sinabi ni Cristo sa lahat ng Nephita na lumuhod sa lupa. Sinabi niya sa kanyang mga disipulo na manalangin. 3 Nephi 19:16–17 Habang sila ay nananalangin, lumayo nang kaunti si Jesus mula sa mga tao at lumuhod at nanalangin sa Ama sa Langit. 3 Nephi 19:18–20 Nagpasalamat si Jesus sa Ama sa Langit sa pagkakaloob ng Espiritu Santo sa kanyang mga disipulo. Pagkatapos ay kanyang hiniling na ipagkaloob ang Espiritu Santo sa lahat ng maniniwala sa mga salita ng mga disipulo. 3 Nephi 19:20–21 Pinagpala ni Jesucristo ang kanyang mga disipulo habang nananalangin sila. Ngumiti siya sa kanila, at sila ay naging kasingputi ng kanyang anyo at kasuotan. 3 Nephi 19:25 Muling nanalangin si Jesus para sa kanyang mga disipulo. Natuwa siya dahil sa dakila nilang pananampalataya. 3 Nephi 19:29, 35 Sinabi ni Cristo sa mga tao na tumigil sa pananalangin ngunit magpatuloy na manalangin sa kanilang mga puso. Pagkatapos ay ibinigay niya sa kanila ang sakramento. 3 Nephi 20:1–5 Walang nakapagdala ng tinapay o alak, ngunit ipinagkaloob ito ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng isang himala. 3 Nephi 20:6–7 Sinabi ni Jesucristo sa mga Nephita na ibabalik ang kanyang ebanghelyo sa lupa sa mga huling araw. 3 Nephi 21:1, 3, 7, 9 Sinabi niya sa kanila na pag-aralan ang mga banal na kasulatan, at ipinasulat niya kay Nephi sa mga tala ang kaganapan ng iba pa sa mga propesiya ni Samuel na Lamanita. 3 Nephi 23:1, 9–13 Pagkatapos ay tinuruan ni Jesus ang mga tao mula sa mga banal na kasulatan. Sinabi niya sa kanila na turuan ang isa’t isa ng mga bagay na itinuro niya sa kanila. 3 Nephi 23:14 Bumalik si Jesus sa langit, at tinuruan ng kanyang mga disipulo ang mga tao. Ang mga naniwala ay bininyagan at tumanggap ng Espiritu Santo. 3 Nephi 26:15, 17 Nagsimula ang mga Nephita na sumunod sa lahat ng kautusan. 3 Nephi 26:20