Kabanata 20 Si Alma at si Nehor Bago namatay si Haring Mosias, pumili ng mga hukom ang mga Nephita upang mamuno sa kanila. Ang Nakababatang Alma ang unang naging punong hukom. Siya rin ang pinuno ng Simbahan. Mosias 9:41–42 Isang malaki at malakas na lalaki na nagngangalang Nehor ay nagsimulang magturo ng mga kasinungalingan. Sinabi niyang ang bawat isa ay maliligtas, maging mabuti man sila o masama. Maraming tao ang naniwala kay Nehor. Alma 1:2–5 Nangaral si Nehor laban sa Simbahan ng Diyos, ngunit isang mabuting lalaki na nagngangalang Gedeon ang nagtanggol dito. Nakipagtalo si Nehor kay Gedeon, ngunit nagsalita si Gedeon na gamit ang mga salita ng Diyos. Alma 1:7–8 Nagalit si Nehor at hinugot ang kanyang espada at pinatay si Gedeon. Alma 1:9 Dinala si Nehor kay Alma upang hatulan. Matapang na ipinagtanggol ni Nehor ang kanyang sarili. Alma 1:10–11 Ngunit sinabi ni Alma na nagkasala si Nehor dahil tinuruan niya ang mga tao na maging masama at pinatay niya si Gedeon. Alma 1:12–13 Sinabi ni Alma na parurusahan si Nehor dahil sa pagpatay kay Gedeon. Alinsunod sa batas, dapat na mamatay si Nehor. Alma 1:14 Dinala si Nehor sa isang malapit na burol at pinatay. Bago siya mamatay, sinabi niya na ang lahat ng kanyang itinuro ay mali. Ngunit marami pa ring mga tao ang naniwala sa masamang mga turo ni Nehor. Alma 1:15–16 Ang mga taong ito ay mapagmahal sa kayamanan at ayaw sumunod sa mga kautusan ng Diyos. Pinagtawanan nila ang mga kasapi ng Simbahan at nakipagtalo at nilabanan sila. Alma 1:16, 19–20, 22 Ang matwid na mga tao ay nagpatuloy sa pagsunod sa mga kautusan at hindi dumaing kahit na sinasaktan sila ng mga tagasunod ni Nehor. Alma 1:25 Ibinahagi ng mga kasapi ng Simbahan ang lahat ng mayroon sila sa mahihirap, at inalagaan nila ang mga maysakit. Sumunod sila sa mga kautusan at biniyayaan sila ng Diyos. Alma 1:27, 31