Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 23: Si Ammon: Isang Dakilang Tagapaglingkod


Kabanata 23

Si Ammon: Isang Dakilang Tagapaglingkod

sons of Mosiah leaving

Lumisan sa Zarahemla ang apat na anak na lalaki ni Mosias upang magturo ng ebanghelyo sa mga Lamanita. Bawat isa sa kanila ay pumunta sa iba’t ibang lungsod.

Ammon being captured

Pumunta si Ammon sa lupain ni Ismael. Sa kanyang pagpasok sa lungsod, iginapos siya ng mga Lamanita at dinala sa kanilang hari, si Lamoni.

Lamoni and Ammon

Sinabi ni Ammon kay Haring Lamoni na nais niyang manirahan sa piling ng mga Lamanita. Nagalak si Lamoni at ipinag-utos sa kanyang mga tao na kalagan si Ammon.

Ammon guarding flocks

Sinabi ni Ammon na magiging isa siya sa mga tagapagsilbi ng hari. Inutusan siya ng hari na bantayan ang kanyang mga kawan.

Lamanites scattering flock

Isang araw, habang si Ammon at ang iba pang mga tagapagsilbi ay dala ang mga kawan upang kumuha ng tubig, binulabog ng mga tulisang Lamanita ang mga hayop at tinangkang nakawin ang mga ito.

servants with Ammon

Ang mga tagapagsilbi na kasama ni Ammon ay natakot. Ipinapatay ni Haring Lamoni ang mga tagapagsilbing na nagpanakaw sa mga hayop sa mga tulisang ito.

Ammon

Alam ni Ammon na ito ang kanyang pagkakataon na gamitin ang kapangyarihan ng Diyos upang makuha ang kalooban ng mga Lamanita. Pagkatapos nito ay pakikinggan nila ang kanyang mga turo.

Ammon talking to servants

Sinabi ni Ammon sa mga tagapagsilbi na kapag tinipon nila ang nagkalat na mga hayop, hindi sila papatayin ng hari.

Ammon gathering animals

Madaling natagpuan ni Ammon at ng iba pang tagapagsilbi ang mga hayop, at muling itinaboy ang mga ito sa lugar na pinag-iinuman.

Ammon talking to servants

Bumalik ang mga tulisang Lamanita. Sinabi ni Ammon sa iba pang tagapagsilbi na bantayan ang mga kawan habang nakikipaglaban siya sa mga tulisan.

robbers

Hindi natakot ang mga tulisang Lamanita kay Ammon. Akala nila ay madali nila siyang mapapatay.

Ammon killing robbers

Nasa kay Ammon ang kapangyarihan ng Diyos. Tinirador niya at napatay sa pamamagitan ng bato ang ilan sa mga tulisan, na siyang lalong nagpagalit sa iba pang mga tulisan.

Ammon fighting robber

Tinangka nilang patayin si Ammon sa pamamagitan ng kanilang mga pambambo, ngunit sa tuwing iaangat ng isang tulisan ang kanyang pambambo upang hatawin si Ammon, pinuputol niya ang bisig ng tulisan. Natakot, nagsitakbong papalayo ang mga tulisan.

servants talking to king

Dinala ng mga tagapaglingkod ang putol na mga bisig kay Haring Lamoni at sinabi sa kanya kung ano ang ginawa ni Ammon.

King Lamoni

Nanggilalas ang hari sa dakilang kapangyarihan ni Ammon. Nais niyang makipagkita kay Ammon ngunit natakot dahil ang akala niya ay si Ammon ang Dakilang Espiritu. Isa siyang tao.

king pondering

Nang pumunta si Ammon upang makipagkita sa kanya, hindi malaman ni Haring Lamoni kung ano ang sasabihin. Hindi siya nagsalita sa loob ng isang oras.

Ammon preaching

Tinulungan ng Espiritu Santo si Ammon na malaman kung ano ang iniisip ng hari. Ipinaliwanag ni Ammon na hindi siya ang Dakilang Espiritu. Isa siyang tao.

King Lamoni speaking to Ammon

Inalok ng hari kay Ammon ang anumang maibigan niya kung sasabihin niya sa kanya kung anong kapangyarihan ang kanyang ginamit upang madaig ang mga tulisan at malaman ang iniisip ng hari.

Ammon talking to King Lamoni

Sinabi ni Ammon na ang tanging nais niya ay ang maniwala si Haring Lamoni sa sasabihin niya. Sinabi ng hari na paniniwalaan niya ang lahat ng bagay na sasabihin sa kanya ni Ammon.

Ammon speaking to King Lamoni

Tinanong ni Ammon si Haring Lamoni kung naniniwala siya sa Diyos. Sinabi ng hari na naniniwala siya sa isang Dakilang Espiritu.

Ammon teaching Lamoni

Sinabi ni Ammon na ang Dakilang Espiritu ay ang Diyos, na lumikha ng lahat ng bagay sa langit at sa lupa, at nakaaalam ng iniisip ng mga tao.

Ammon teaching Lamoni

Sinabi ni Ammon na ang mga tao ay nilikha sa wangis ng Diyos. Sinabi rin niya na tinawag siya ng Diyos upang ituro ang ebanghelyo kay Lamoni at sa kanyang mga tao.

Ammon teaching with scriptures

Sa pamamagitan ng banal na kasulatan, tinuruan ni Ammon si Haring Lamoni ng tungkol sa Paglikha, kay Adan, at kay Jesucristo.

Lamoni praying

Naniwala si Haring Lamoni kay Ammon at nanalangin na mapatawad sa kanyang mga kasalanan. Pagkatapos ay bumagsak siya sa lupa at nagmistulang patay na.

servants of king

Binuhat ng mga tagapaglingkod ang hari papunta sa kanyang asawa at inihiga siya sa kama. Pagkaraan ng dalawang araw, inakala ng mga tagapaglingkod na patay na siya at ipinasiyang ilibing na siya.

queen talking to Ammon

Hindi naniwala ang reyna na patay na ang kanyang asawa. Dahil narinig niya ang tungkol sa dakilang kapangyarihan ni Ammon, hiniling niya sa kanya na tulungan ang hari.

Ammon talking to queen

Alam ni Ammon na nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos si Lamoni. Sinabi niya sa reyna na magigising si Lamoni sa susunod na araw.

Lamoni waking up

Nanatili siya sa tabi ni Lamoni sa buong magdamag. Kinabukasan, tumayo si Lamoni at sinabi na nakita niya si Jesucristo. Ang hari at reyna ay napuspos ng Espiritu Santo.

Lamoni being baptized

Tinuruan ni Lamoni ang kanyang mga tao tungkol sa Diyos at kay Jesucristo. Ang mga naniwala ay nagsisi sa kanilang mga kasalanan at nabinyagan.